Angelica, John Lloyd parehong maramot: At least tahimik kami!
Kung nauuso ngayon ang marriage proposal at kasalan, wala namang balak sumakay sa trend ang magdyowang Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.
Sabi ni Angelica, mas lalong tumibay ang relasyon nila ni Lloydie ngayon at natutuwa siya dahil nabawasan na ang mga nang-iintriga sa kanila. Mukhang effective raw ang ginagawa nilang pananahimik pagdating sa kanilang love affair.
Marami ang nakapansin na bihira na siyang mag-post ng mga litrato nila ni John Lloyd sa Instagram account kaya marami ang nagsabi na baka raw hiwalay na sila. Pero depensa ni Angelica, talagang intentional ang ginagawa nila.
“Choice namin manatiling mas tahimik yung relationship namin, kasama na du’n yung hindi pagpo-post ng mga pictures namin sa social media.
“Siguro, sabihin na nilang nagdadamot kami pero mas gusto namin na tahimik ang buhay namin ngayon. Mas maganda ang takbo ng relationship,” paliwanag ni Angelica sa interview ng ABS-CBN. Mahigit two years na ang relasyon ng dalawa at mukhang mali ang hula ng marami na maikli lang ang itatagal ng kanilang love story.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.