Mga Laro Bukas
(The Arena)
2 p.m. JRU vs Letran
4 p.m. St. Benilde vs EAC
Team Standings: San Beda (8-2); Arellano (8-2); JRU (6-3); Perpetual Help (5-4); St. Benilde (5-4); Lyceum (5-4); EAC (3-6); Letran (3-6); San Sebastian (3-7); Mapua (1-9)
MAGKAIBA man ang kanilang ruta ay nagkita pa rin sa itaas ng team standings ang four-time defending champion San Beda at Arellano nang manaig sa kanilang hiwalay na laro sa pagsisimula ng 90th NCAA men’s basketball second round kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 19 puntos at 10 rebounds si Ola Adeogun sa kanyang pinakaproduktibong laro sa liga na sinabayan pa ng 17 puntos ni Ryusei Koga para bitbitin ang Red Lions sa 74-69 panalo sa Mapua Cardinals.
Ang dalawa ay nagtulong sa gitnang quarters para makapagdomina ang San Beda tungo sa pagsungkit sa ikawalong panalo sa 10 laro.
Hindi nagpahuli ang Chiefs na kinakitaan ng determinasyon nang bumangon mula sa 14 puntos pagkakalubog bago naitakas ang 101-98 panalo sa San Sebastian sa ikalawang laro.
May 19 puntos si Jiovani Jalalon at ang anim na sunod, mula sa three-point play at 3-pointer ang nagtabla sa laro sa 94.
Naagaw pa ni Jalalon ang inbound ng Stags tungo sa dalawang free throws ni Keith Agovida pero nakatabla uli ang Stags sa drive ni CJ Perez.
Pero hindi natinag ang tropa ni coach Jerry Codiñera dahil matapos ang nakumpletong 3-point play ni Allen Enriquez, dalawang free throws pa ang ipinasok ni John Pinto para bigyan ng tatlong puntos na kalamangan ang Chiefs na hindi na nabalikan ng Stags.
Bumaba ang San Sebastian sa 3-7 karta habang nanatiling nasa hulihan ang Cardinals sa 1-9 baraha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.