Pahirapan sa pagkuha ng SSS ID | Bandera

Pahirapan sa pagkuha ng SSS ID

Liza Soriano - August 20, 2014 - 03:00 AM

MULI po akong sumulat sa Aksyon Line dahil muli pong ibinalik ng aking employer ang form for salary loan na aking inaaplayan dahil hindi pa raw po ako pwedeng mag-loan.

Nagulat po ako. Bakit po ganoon, gayung nag-submit na naman ako sa pinakamalapit na SSS branch dito sa amin sa Bacoor, Cavite ng baptismal certificate?

Noong una po akong sumulat sa inyong column, ang sabi po ng SSS ay magpasa lamang ako ng NSO o authenticated na birth certificate o kaya ay baptismal certificate upang maging permanente na ang
aking SSS number.

Hangga’t temporary daw po ang aking SSS no. ay hindi ako maaaring mag-claim ng anumang benepisyo sa SSS at ito rin ang dahilan kung bakit hindi makapasa ang aking loan.

Nakapagbigay na po ako ng baptismal certificate at tinanggap naman ng SSS, pero bakit hindi pa rin ako makapag-avail ng salary loan?

May paggagamitan lang po sana ako ng perang uutangin ko sa SSS. Ano po kaya ang problema? May chance pa po ba akong makapag-loan o may problema po talaga at hindi na ako maaaring makapag-loan? Labis po akong nag-aalala.

Sana ay mabigyan nyo po ako ng kasagutan sa aking katanungan. Salamat po.
Ernesto P. Velasco Jr.
SSS no. ..938

REPLY: Ito ay tugon sa katanungan ni G. Velasco kung bakit hindi pa rin siya makapag-avail ng kanyang salary loan sa SSS.
Base sa aming record, ang SSS number ni G. Velasco ay temporary pa rin bagaman nakapagsumite na siya sa SSS branch ng kanyang baptismal certificate.

Medyo matagal talaga kasi ang pagproseso dahil kinakailangan pang i-confirm ng SSS kung valid nga ang baptismal certificate na kanyang ibinigay sa SSS mula sa simbahan na nag-isyu nito.

Matapos ang confirmation ay saka pa lamang ang “posting” at dito ay magkakaroon na siya ng permanenteng SSS number na kung saan ay kwalipikado na siya para sa salary loan.

Mabilis naman ang proseso ng salary loan na tumatagal lamang ng dalawa hanggang tatlong araw at hindi rin siya dapat mag-alala dahil ang lahat ng kanyang naihulog ay kasama sa kabuuang bilang ng kanyang kontribusyon.

Kaya’t aming pinapayuhan si G. Velasco na maghintay lamang na matapos ang proseso para magkaroon ng permanenteng SSS number at kagyat na rin na makapag salary loan.

Maaring magtungo sa anumang tanggapan ng SSS para mag-follow up.

Ms. Beth Turalvo
Senior
Communications
officer
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust ream.tv/channel/dziq.vvv.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending