Maja handa nang makatrabaho si Kim: Luma na ang isyu sa amin!
Kung ayaw pa ni Kim Chiu na makatrabaho sa isang teleserye o pelikula ang ex-BFF niyang si Maja Salvador, kabaligtaran nito ang feeling ng girlfriend ni Gerald Anderson.
According to Maja, very willing siyang makatrabaho uli si Kim matapos nga silang magkabati a few weeks ago. Nagkaroon ng gap ang dalawa nang maging dyowa ni Maja si Gerald na ex naman ni Kim.
“I think lahat naman ay nakapag-move on na, parang lahat tayo ay tapos na sa kwento na ‘yon, masyado nang luma. So, bakit mo pa babalikan yung hindi magandang kwento?
So sa positive lang tayo, sa magandang pangyayari at sitwasyon lang tayo,” Maja told reporters in an interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.