NABULABOG ang buong mundo sa balitang nagpakamatay si Robin Williams. Marami ang hindi makapaniwala sa ginawa nito dahil isa siyang sikat na komedyante, na parating nagpapatawa sa kanyang mga manonood.
Hindi siya nag-iisa dahil marami ring mga artista, sikat na tao at maimpluwensiya ang ganito ang kinahihinatnan dahil sa depression.
Marahil ay ginamit lamang ni Robin ang comedy para itago ang kalungkutan niya na parang anay na unti-unting kinukutkut ang kanyang kaligayahan at nag-alis ng lubusan sa kanyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos.
Ang pagkitil ba sa sariling buhay ay sadyang may partikular na dahilan? Syempre naman! Maiiwasan ba ito? Syempre naman!
Paano pahahalagaan ang buhay? Nagbalak ka bang mag-suicide?
Bakit nga ba may nag-iisip na mag-suicide? Feeling mo lang siguro ay nalulungkot ka, nag-iisa, sobrang mabigat ang problema, nawawalan ng pag-asa, kalaban mo ang buong mundo, wala nang nagmamahal sa iyo.
Maaring totoo ang pakiramdam mo pero di dapat paniwalaan. Ang pag-iisip na ito ay kulang sa rationality.
Natural na malikot ang kaisipan ng tao. Gusto nito palaging may kasiyahan, kaaliwan at kontrol, at siya ang sentro ng buong mundo.
Ang hindi matanggap ng isipan ay ang katotohanan na wala siyang absolute control, kaya merong disappointment at frustration.
Dito nag-uumpisa ang lungkot na kapag hindi natanggap ang katotohanan ay mauwi sa depression.
Ang pinaka-matin-ding depression ay ang iyong maghahatid ng desperation na ang kasunod ay pagpapatiwakal.
Samakatuwid, and puno’t-dulo ng suicide ay ang pagiging makasarili.
Hindi ikaw ang may-ari ng buhay!
Ito ang rason kung bakit hindi mo ma-kontrol kung ano ang mangyayari dito. Kailangan maintindihan mo na ang Diyos ang tanging may karapatan na kunin ito ayon sa kanyang panahon.
Ang maluwag na pagtanggap sa katotohanang ito ang siyang sikreto upang maiwasan ang suicide. Ito ang tamang esperituwalidad, na ayon sa mga pagsasaliksik ng syensya ay naiiwasan ang suicide kapag isinasabuhay ang pagiging espiritwal, ang pagtanaw sa kapangyarihang may Poong Maykapal.
Ang pagpapa-salamat at pagpapahalaga sa bawa’t sandali na ikaw ay nabubuhay ay malaking hakbang tungo sa kalusugan ng kaisipan. Hindi tama ang iham-bing mo ang iyong sarili sa iba at maisip mo na may kulang sa iyo, tapos sasabayan mo ng inggit na magdudulot ng galit. Dito nakasalalay ang kalusugang pang-kaisipan.
Ano ang mangyayari sa iyo pagkatapos ng suicide? Pagkamatay, patuloy pa rin ang paghihirap ng iyong kaluluwa.
Kung titingin ka sa paligid mo, makikita mo na napaka-mapalad mo dahil marami pa ang mas naghihirap sa iyo.
Magpasalamat ka sa tinatamasa mong biyaya!
Gusto mo pa rin bang tapusing ang buhay mo? Kaibigan, hindi na di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.