Kiefer Ravena UAAP Player of the Week uli | Bandera

Kiefer Ravena UAAP Player of the Week uli

Mike Lee - August 12, 2014 - 03:00 AM

HINDI na bago para kay  Kiefer Ravena na balikatin ang laban ng Ateneo Blue Eagles. Kaya naman tila hinigitan niya ang ginagawang pagbibida nang tulungan ang Blue Eagles na tapusin ang first round elimination  sa 77th UAAP men’s basketball sa unang puwesto bitbit ang 6-1 karta.

Laban sa host UE Red Warriors, nagtala ng career-high na 38 puntos si Ravena para tulungan ang Blue Eagles na bumangon mula 21 puntos at manaig sa overtime, 93-91.

Mahina ang panimula ng Blue Eagles dahil masama ang laro sa first half ni Ravena na may 2-of-9 shooting. Pero nakuha ng 6-foot guard ang kanyang porma lalo na sa fourth period at overtime para manalo.

Isinalpak ang pull-up jumper para magtabla ang Blue Eagles at Red Warriors sa 80-all, lalo pang bumangis ang laro ni Ravena sa limang minutong extension nang angkinin ang huling puntos.

Bago ito ay tinulungan din ni Ravena ang Ateneo sa 63-61 panalo sa UST Tigers nang naisalpak ang 15-footer sa huling segundo ng labanan.

“He’ll always be the one to lead the team. It doesn’t matter whether he’s going to score or not. He has the ability to create situations,” wika ni Blue Eagles coach Bo Perasol.

Tinuran naman ni Ravena na nasa ikaapat na taon ng paglalaro na ang suporta ng mga coaches ang teammates ang nakakatulong para hindi siya makaramdam ng kaba sa ganitong sitwasyon.

“Iyong confidence ko kinukuha ko rin sa mga teammates ko. Nakakatanggal ng kaba kung ang mga teammates mo at mga coaches mo ay nagtitiwala sa iyo,” pahayag ni Ravena na nag-average ng 23 puntos, 5.14 rebounds, 5.14 assists at 1.43  steals sa 34 minutong paglalaro.

Dahil sa ipinakita, si Ravena ang ginawaran ng kanyang pangalawang UAAP Press Corps-Accel Quantum Plus/316 Player of the Week citation na may suporta pa ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol at Mighty Mom Anti-bacteria.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending