Arjo: Wag lang nilang idamay ang pamilya ko, du'n ako magwawala! | Bandera

Arjo: Wag lang nilang idamay ang pamilya ko, du’n ako magwawala!

Jobert Sucaldito - August 12, 2014 - 03:00 AM


NAKATSIKAHAN namin the other day ang mahal naming bagets na si Arjo Atayde, isa sa lead actors ng top-rating serye ng ABS-CBN (right before TV Patrol on weekdays) na Pure Love sa Dong Juan Resto partly owned by my “Mismo” partner Papa Ahwel Paz at hindi nakaligtas ang binatang aktor sa isyu tungkol sa kumakalat na nude photo niya sa internet.

Actually, last month pa namin ito nakita – isang “Arjo Atayde” na napakaganda ng katawan – (6-packed ha!) na nakatiwangwang ang malaking nota.

Ha-hahaha! Siyempre, impressive ang kuhang iyon dahil gifted ito. Though we truly doubt that it’s Arjo pero iba na rin yung diretso naming marinig sa bibig niya ang totoo.

Nakita namin ang nude picture na iyon even before the Paolo Bediones sex video.”Sa mga nakakakilala sa akin I am definite that they will not even doubt that it’s me. Kilala kasi nila ako na never kong gagawin iyon.

Tsaka, kita niyo naman – grabe ang ganda ng katawan nu’n. I saw it too because a friend texted me about that. Natawa lang ako.
“Sabi ko nga, huwag nilang tanggalin ang pic na iyon, hintayin nilang gumanda ang katawan ko tulad ng nasa picture at pag na-achieve ko na ang frame na iyon, sasabihin kong ako iyon.

Ha-hahaha! Joke lang! Kahit sabihin pa sigurong gumanda ang body ko tulad nu’ng sa guy na kinabitan nila ng mukha ko, hindi ko pa rin ‘yun gagawin.

Parang tanga naman ako noon, yung nasa banyo ka tapos kukunan mo ang sarili mo in nude. Ha-hahaha!” ani Arjo. Nu’ng dumating ang mommy niya sa Dong Juan that afternoon (humabol lang si Sylvia Sanchez sa amin dahil she had to rush to an emergency meeting earlier that afternoon with her husband, Papa Art Atayde), tinanong na rin namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa nude pic na iyon.

“Iyan nga ang palagi naming pinag-aawayan – yung katawan niya. Kasi nga, hindi pa rin gumaganda, marami pa ring bilbil. Kaya natawa ako nu’ng makita ko ang picture na iyon sa internet.

Sabi ko, aba, gumanda na pala ang katawan ng anak ko. Of course, hindi ako naniwala, I should know ‘coz I am the mother.
“Grabe, ‘no? Kungsabagay, ganyan pag nag-aartista ka and you start to make a name, lahat ipupukol sa iyo.

Gagawan ka ng kung anu-anong istorya. Hindi lang ang isyung iyan – marami pa,” ani Sylvia who plays Ramona, Arjo’s baliw na mom sa Pure Love na super nag-trending sa mga televiewers. Grabe ang impact ng pagsasama nila sa serye recently.

“Hindi lang naman iyan ang mga tsinitsismis sa akin, eh. Meron pa ngang bakla raw ako or what. Oks lang sa akin iyon. Hindi ako masyadong pikon. Huwag lang nilang tirahin ang family ko kasi doon ako mahina.

Doon ako nagri-react. Kasi nga, especially on my dad’s side – very conservatiive ang family namin and we are very close-knit. Kaya pag sila na ang inaagrabyado at ginagawan ng kuwento, doon ako nagwawala,” ani Arjo na napakabait na bata.

Speaking of their recent scenes ng kaniyang mommy sa Pure Love, take one pala ang kuhang iyon. Hindi man lang naantig si Arjo sa kahusayan ng kaniyang ina.

“Kasi nga, the night before we made that scene, pinaghandaan ko na. Ganyan kasi ako when I prepare for work, pag alam kong meron akong intense drama na gagawin the next day, I prepare myself for that.

Pinag-aaralan ko na ang script ko at pinaghahandaan ko na emotionally. After ng scenes, oks na ako, balik na sa dating Arjo. Kaya when we did that scene with mom, sabi lang niya sa akin ay dapat galing sa puso at tingnan ko siya sa mata.

Kaya naitawid namin nang maayos ang mga eksena.Impressed na impressed din si Arjo sa palagi niyang kaeksenang si Yen Santos. Nagagalingan siya sa batang ito.

Tulad ng ibang mga kasama nilang sina Alex Gonzaga, Joseph Marco, Arron Villaflor – they all deliver sa said soap. “Madalas kasi kaming magkaeksena ni Yen. I find her very beautiful at  mahusay siya.

The more na tumatagal, lalo siyang gumaganda. But of course, ang crush ko talaga ay si Alex pero since naka-close naman ang doors niya, hindi ko alam kung hanggang kailan mag-i-stay ang pagka-crush ko sa kaniya.

For now, focused lang muna kami sa work,” he adds. Napanood namin ang ilang eksena ni Arjo sa Pure Love and in fairness to this young man, napakahusay talaga niyang umarte.

Effortless. Iba ang atake niya. There’s a certain style sa acting niya na kaniyang-kaniya lang. Kaya for us, isa si Arjo sa greatest new finds ng showbiz industry.

Kaya kami, we make sure na lagi kaming nakatutok sa Pure Love dahil ayaw naming mapalagpas ang mga magagandang eksena sa kabuuan nito plus the magnetic acting ni Arjo Atayde.

Plus itong mga nakakalokang eksena nilang mag-ina, whew! Congrats, Arjo anak. You’re simply amazing!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending