MONROVIA, LIBERIA — Kailangan pang maghintay ng ilang buwan ng mga bansa na apektado ng Ebola virus bago makakuha ng gamot na ginagamit na umano sa dalawang Amerikano na dinapuan ng nasabing sakit.
At wala ring garantiya na ang gamot na tinatawag na ZMapp ay makatutulong upang di na kumalat pa ang sakit, na nagsisimula sa lagnat at pananakit ng katawan bago ang pagdurugo.
Limitado rin umano ang suplay ng gamot na hanggang ngayon ay hindi pa nasusuri kung ligtas na gamitin at epektibo sa tao.
Isiniwalat ng health minister ng Nigeria, isa sa apat na bansa kung saan kumalat ang Ebola, na nakiusap siya sa Centers for Disease Control and Prevention ng US kung maaari silang makakuha ng gamot.
Subalit sinabi ng tagapagsalita ng CDC kamakailan na “there are virtually no doses available.” Tuloy ay kinu-kuwestiyon ng mga tao mula sa mga apektadong bansa kung bakit hindi iniaalok sa kanila ng US ang gamot.
Ani Anthony Kamara, 27, ng Freetown, Sierra Leone: “Americans are very selfish. They only care about the lives of themselves and no one else.”
Inilarawan niya ang ZMapp na isang “the miracle serum” na itinatangging ipamahagi upang mailigtas ang buhay ng mga Africans.
“The lack of wider availability of the drug shows simply that white patients and black patients do not have the same value in the eyes of world medicine,” hirit naman ni Nouridine Sow, isang sociology professor sa Universal Institute of Guinea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.