‘MANSION’ ni Daniel pinintasan; Karla Estrada wala raw alam | Bandera

‘MANSION’ ni Daniel pinintasan; Karla Estrada wala raw alam

Cristy Fermin - August 10, 2014 - 03:00 AM


Nakalulungkot lang isipin na sa kabila ng kanyang pagsisikap at pagbibigay ng kaligayahan sa kanyang pamilya ay pinipintasan pa ang kagandahan ng loob ni Daniel Padilla.

Lahat halos ng kinikita ng sikat na heartthrob ay iniipon niya, kumukuha lang siya ng panggastos sa araw-araw, pinahahawakan niya sa kanyang inang si Karla Estrada ang produkto ng kanyang pagsisipag.

Nakapagpatayo sila ng bahay sa isang subdivision, inuna ni Daniel ang kanyang ina at mga kapatid, saka na ang para sa kanya. Nang bisitahin ng isang programa ang kanilang bahay ay puro pintas pa ang inabot ni Daniel.

Baduy daw ang ayos ng bahay, wala raw alam sa interior design ang kanyang nanay, at kung ano-ano pang kapintasan sa bahay na ipinundar ng sikat na young actor.

Ang tingnan na lang sana ng mga naninira sa aspetong ito ay ang pagiging mabuting anak ni Daniel Padilla na sa halip na unahin ang mga pangsarili niyang granatsa ay inuna muna niyang bigyan ng masisilungan ang kanyang ina at mga kapatid.

Bibihirang kabataan ang gumagawa ng ganu’n, maitatangi ang isang Daniel Padilla na bago ang kanyang sarili ay ang mga mahal muna sa buhay ang kanyang inuna, ni hindi nga siya makikita sa bar dahil pagkatapos ng trabaho ay bahay na agad ang tuloy niya.

Isang napakagandang halimbawa si Daniel Padilla hindi lang sa mga kabataang artista ngayon, gawin din sana siyang idolo-ehemplo ng mga kabataan natin, isang simbolo ng tagumpay si Daniel Padilla. Sa totoo lang.

( Photo credit to daniel padilla official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending