Sulat mula kay Gracey ng Hinabangan, Samar
Dear Sir Greenfield,
Nababahala na ako sa aking nararamdaman ngayon. Masaya naman ako sa aking ikalawang boyfriend, pero kapag sweet and private moments na namin ay ang mukha pa rin ng aking unang boyfriend ang nakikita ko. Ang nararamdaman ko sa aking katawan ay ang dati ko pa ring boyfriend. Natatakot ako na baka ako makalimot at masambit ko ang pangalan ng dati kong boyfriend. Mabait pa naman at mapagbigay sa lahat ng bagay ang ikalawa kong boyfriend. Ang una kong boyfriend ang nakauna sa aking katawan kaya’t hindi ko makalimutan ang sarap ng kanyang pagmamahal. Bigla na lamang siyang umalis at may pupuntahan daw siyang probinsiya. Iyon lang ang dahilan ng kanyang pag-alis at di na siya nag-text o tumawag sa akin. Patay na ang dati niyang number. Babalik pa kaya ang una kong boyfriend? Parang nahaharap ako ngayon sa mas malaking problema.
Umaasa
Gracey, ng Hinabangan, Samar
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayog minahal ay siya ring pakakasalan mo. Ikakasal ka sa lalaking ito kaya sa malamang ay magbabalik siya sa iyo. Iyan ang dahilan na hindi maalis-alis sa isipan mo ang una mong boyfriend. At wala naman kayong pormal na paghihiwalay. Siya ang mapapangasawa mo.
Cartomancy:
Ang barahang Jack of Hearts, Ace of Diamonds at Eight of Hearts ang nagsasabing ngayon ka na makipag-break sa kasalukuyan mong boyfriend upang sa taon ding ito, sa sandaling bumalik ang first love mo, tuluy-tuloy na muling mabuo ang nausyami ninyong masaya at romantikong relasyon.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.