San Beda sasagupa sa Perpetual Help | Bandera

San Beda sasagupa sa Perpetual Help

Mike Lee - August 06, 2014 - 03:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena, San Juan)
2 p.m. San Beda vs
Perpetual Help
4 p.m. Lyceum vs
San Sebastian

Team Standings: San Beda (6-1); Arellano (6-2); Perpetual Help (4-2); St. Benilde (4-3); JRU  (4-30; Lyceum (4-4); San Sebastian (3-4); Letran (2-5); EAC (2-5); Mapua (1-7)

MAGKAKASUBUKAN ngayon sa 90th NCAA men’s basketball tournament ang nangungunang San Beda Red Lions at pumapangalawang  Perpetual Help Altas sa The Arena, San Juan City.

Parehong may anim na panalo ang San Beda at Perpetual Help ngunit lamang ng bahagya ang Red Lions dahil iisa pa lamang ang talo nito sa season kumpara sa dalawa ng Altas.

Gayunman, hindi pa rin makakasiguro ng panalo ang San Beda dahil mabigat na kalaban ang Perpetual Help. Bukod sa labanan ng dalawang nangungunang teams ay sagupaan din ito ng dalawang koponang nagbibigay halaga sa depensa.

Ang San Beda ang top defensive team ng liga. Nalilimita nito ang mga kalaban sa 63.9 puntos lamang kada laro.
Pumapangalawa naman ang Perpetual Help sa points against average na 70.33.

Nangunguna din ang Red Lions sa rebounding sa average na 47.43 rebounds kada laro sa pangunguna nina  Ola Adeogun at Arthur dela Cruz na kumukulekta ng mahigit 10 rebounds kada laro.

Numero uno  naman sa liga  ang Altas sa shot blocks sa average nitong limang supalpal kada laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending