Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UP vs La Salle
4 p.m. Ateneo vs UST
Team Standings: NU (5-1); Ateneo (4-1); UST (3-1); FEU (3-2); La Salle (3-2); UE (2-3); Adamson (0-5); UP (0-5)
IKAAPAT na sunod na panalo na magtutulak sa koponan sa pangalawang puwesto ang balak angkinin ng University of Santo Tomas Tigers sa pagbangga sa Ateneo Blue Eagles ngayon sa 77th UAAP men’s basketballtournament sa Smart Araneta Coliseum.
Matapos mabigo ng National University sa unang laro ay tumuhog ng tatlong sunod na panalo ang UST laban sa mga naghihingalong koponang University of the East, Adamson University at University of the Philippines.
Kung mapapalawig ng UST ang winning streak sa apat ay maaagaw nito ang pangalawang puwesto sa Ateneo na kasalukuyang may 4-1 kartada.
Ang sagupaang ito ay magsisimula dakong alas-4 ng hapon matapos ang laro sa pagitan ng nagdedepensang kampeon La Salle Green Archers at wala pang panalong UP Maroons.
Ikaapat na sunod na panalo din ang naka-umang sa Archers na kasalukuyang kasalo sa pang-apat na puwesto ang Far Eastern University Tamaraws.
Nais ng Maroons na mapatid ang 26-game losing streak nito na nag-umpisa pa noong 2012. Pero mahihirapan ang Maroons na nakakuha ng panalo ngayon dahil bukod sa nagdedepensang kampeon ang makakata-pat nito ay hindi pa nila makakasama ang head coach na si Rey Madrid.
Sinuspindi ni UAAP commissioner Andy Jao ng dalawang laro si Madrid matapos mag-akusa na may “point shaving” na nagaganap sa liga.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.