IN fairness, kahit nagkakaedad na ay ang ganda-ganda at ang fresh-fresh pa rin ni Alice Dixson.
Ibang-iba pa rin ang kanyang aura kung ikukumpara sa mga kasabayan niyang aktres noon na nawala na ngayon dahil nga madaling nalaos.
May isa nga kaming kilalang female celebrity na kasabay noon ni Alice, pero ang tanda-tanda na ng itsura niya ngayon.
As in mukha na siyang losyang na lola.
Nakachika ng entertainment press si Alice sa grand launch ng mga bagong programa ng TV5 kung saan muli nga siyang magbibida sa afternoon drama na Isang Dakot Na Luha kung saan makakasama niya ang datinggirlfriend ni JC de Vera na si Danita Paner na gaganap bilang anak niya.
Nu’ng lumabas nga ang dalawa sa stage marami ang nagsabi na parang magkapatid lang sila dahil nga sa pagka-freshness ni Alice.
“Nagkakaedad na rin ako, hindi lang halata!” tumatawang chika ng tinaguriang Timess Beauty.
“Basta no smoke… ano lang, exercise. Importante rin yung matulog ka nang maaga.
At saka ‘pag hindi ko na kaya ang trabaho, hindi naman tayo nagpapakamatay, kaya rest na agad,” dagdag pa ni Alice.
Masaya rin ang kanyang family life kaya siguro nagre-reflect ito sa kanyang aura.
Ito’y sa kabila nga ng hindi nila regular na pagsasama ng kanyang asawang si Ronnie Miranda na naka-base na sa Canada.
Pero true kaya na nagtatampo na sa kanya si mister dahil masyado na siyang adik sa work?
At baka nga dahil diyan ay masabihan na siya ng walang kwentang asawa? Chika ni Alice regular silang nagkakausap ng kanyang mister at very supportive naman sa kanya.
“Well, ang sabi niya, uuwi siya next month. Yun lang ang sabi niya! Ha-hahaha!
Ako kasi, kakauwi ko lang nu’ng December sa Canada, bumalik ako ng January. Every three to four months kung kami ay hindi magkita, pero sabi niya, uuwi siya ng March dito sa atin.
Hindi naman ako pinagbabawalan mag-work,” chika pa ng aktres.
Pagkatapos ng Glamorosa, sabak agad si Alice sa bagong afternoon teleserye ng TV5 na Isang Dakot Na Luha na ayon sa kanya ay ibang-iba sa mga nagawa na niyang soap.
Bukod kay Danita Paner, makakasama rin niya rito sina Jay Manalo, Glydel Mercado, Edgar Allan Guzman at Karel Marquez.
“Drama na naman, parang ayoko muna. Gusto ko muna sana mag-comedy o mag-talk show.
Pero nu’ng inupuan ako ng scriptwriter at saka production unit manager namin, nagustuhan ko ang kuwento – touching at parang maraming pwedeng paghugutan.
“And after a long-running talk and maganda yung exposure kaya tinanggap ko na,” say pa ng aktres.
Tungkol naman sa tumitinding network war, sinabi ni Alice na hindi naman siya exclusive sa TV5, open naman daw siyang gumawa ng ibang projects sa ABS o sa GMA, “Kung may mag-offer man, basta maganda, okay lang.
Pero my priority is TV5 pa rin. Pero ‘pag may magandang project, ipinapaalam ko sa kanila, like yung paggawa ko ng ‘Panday 2’ that was GMA Films.
“Basta maganda yung project, pinapayagan ako at hindi siya tatapat sa regular show ko, okey lang,” sabi ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.