Ai Ai nangabog sa ‘Ronda’ ng Cinemalaya
KAHIT feeling nabitin kami sa pelikulang “Ronda” ni gandang Ai Ai delas Alas nu’ng mapanood namin ito sa Main Theater ng CCP last Sunday, mabuti na rin siguro ang ganu’ng pakiramdam dahil ang lakas “makakabog” ng huling 20 minutos ng nasabing Cinemalaya entry.
Mula sa makuwelang phone conversation ni Carlos Morales (partner niyang pulis na rumoronda), hanggang sa “motel scene” ni Ai Ai kay Cesar Montano, pati ang pambubugbog ni Ai Ai sa isang tambay, up to the sensational news reporting of Angeli Bayani ng pagpatay ng anak ni Ai Ai (Julian Trono) sa classmate nitong lalaki, at hanggang sa mag-fade into black ang screen kung saan ang maririnig mo lang ay ang boses ng Comedy Queen – kaboom na kaboom ang movie!
Mapapatunganga ka talaga sa bilis ng pangyayari at maghahanap ka pa ng kasunod. Ha-hahaha! Sinadya marahil ng direktor (Nick Olanka) at writer ng “Ronda” na maging ganu’n ang pelikula dahil sa gitna ng katahimikan nito simula sa umpisa, eh ang utak at kalooban ninyo ang mag-iingay!
Achieve na achieve nga ni Ai Ai ang pagiging indie performer at malamang ngang mapansin na siya rito ng mga kritiko at mga mapanuri sa kakaibang uri ng indie movie.
And yes, worth your time ang “Ronda” dahil sa mga makatotohanang eksena na sumasalamin sa buhay ng isang babaeng pulis.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.