Bea Alonzo pinakamagaling na aktres sa bagong henerasyon | Bandera

Bea Alonzo pinakamagaling na aktres sa bagong henerasyon

Ervin Santiago - August 04, 2014 - 03:00 AM


Mas lalo pang umiinit ang tagpo sa inaabangan ng bayan na Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa Primetime Bida ng ABS-CBN at pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Albert Martinez at Maricar Reyes.

Sa mga huling tagpo na napanood namin last week, mukhang tuluy-tuloy na ang sagupaang Emanuelle/Rose (Bea) at Shasha (Maricar). In fairness, isa talaga sa inaabangan ng manonood ay ang mga maiinit na eksena nina Bea at Maricar.

Effortless ang dalawang aktres, lalo na si Maricar, na talagang isusumpa mo ang kasamaan. Lutang na lutang naman ang kagandahan ni Bea at wala na kaming masasabi pa sa galing niya bilang aktres.

Para sa amin siya na ang ultimate best actress sa henerasyon ngayon. Napa-paranoid na si Shasha sa pagiging close nina Patrick ( Paulo) at Emanuelle, lalo siyang napraning nang malaman niyang magkasama sa kotse ang dalawa para sa site visit.

Habang galit na galit siya ay nagkausap nang masinsinan sina Patrick at Emanuelle – dito na nga inamin ni Patrick na may nararamdaman siya para kay Emanuelle. Shocked ang dalaga.

Ito na nga kaya ang tamang pagkakataon para umamin si Rose sa kanyang tunay na pagkatao? Ano ang susunod na gagawin ni Shasha para masigurong hindi siya pinagtataksilan ng asawa?

Tutukan ang mga susunod na pasabog sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon pagkatapos ng Ikaw Lamang sa Primetime Bida. Ito ay sa direksiyon pa rin nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan, sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment.

( Photo credit to bea alonzo official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending