Pamilya ni Grace Lee hina-harass—P-Noy | Bandera

Pamilya ni Grace Lee hina-harass—P-Noy

- February 17, 2012 - 10:16 AM

Tantanan n’yo na  sila!

Ni Bella Cariaso

MASAMA ang loob ni Pangulong Aquino sa mga tao na nangha-harass umano sa pamilya ng nililigawang TV-host na si Grace Lee.

Nakiusap siya sa publiko na huwag nang idamay ang mga taong malalapit kay Le

“Wala naman po sigurong mga matutuwa kung gagawin sa atin ‘yon.

Kawawa naman ‘yung mga nadadamay na nagugulo ‘yung buhay nila. Hindi naman ho dapat,” aniya.

Sa pulong bayan sa La Consolacion College sa Maynila kahapon, iki-nuwento ni Aquino na maraming tao ang gustong mang-usisa sa personal na buhay ni Lee.

“Yung nanay niya, mayroon pong grocery store. True story po ito.

Eh ‘di marami hong gustong mag-usisero. So, pinuntahan po ‘yung nanay niya na wala naman kinalaman pa sa ngayon sa amin pongusapan.

Ang ginawa ‘nung nanay po niya nagpanggap na namimili doon sa tindahan para lang makaalis ng tindahan at hindi siya molestiyahin. Eh naha-harass naman po ‘yung mga tao, ‘di ba?” aniya.

Naging matipid naman ang sagot ni Aquino sa tanong kung ano na ang tunay na sitwasyon nila ni Lee.

“Maayos naman,” aniya.

Si Lee ay isang talent ng GMA 7 at radio DJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matapos ihayag na nililigawan siya ng pangulo, dagsa ang naging endorsements niya at napaulat din na tumaas ang kanyang talent fee sa P140,000 mula sa P80,000 kada labas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending