JM: Gumamit po ako ng droga! | Bandera

JM: Gumamit po ako ng droga!

Ervin Santiago - August 04, 2014 - 03:00 AM

“GUMAMIT po ako ng droga.” Ito ang ginawang pag-amin ni JM de Guzman kahapon kasabay din ng pagsasabing siya mismo ang nagdesisyon na ipasok siya sa rehabilitation center.

Halos isang taon ding nawala sa showbiz si JM dahil dito. Mismong ang lolo raw niya ang nagdala sa kanya sa rehab noon. Sa interview ng The Buzz sa aktor kahapon, sinabi niyang lumala na nang lumala ang kundisyon niya.

“Pinasok po ako sa rehab dahil unmanageable na ako. Gumamit po ako ng droga. Sinubukan ko ‘yung hindi dapat subukan… Naging iresponsable po ako. Nawala po ‘yung disiplina ko. Lumaki po yung ulo ko. I lost control,” anang binata.

Nagdesisyon daw siya na magpa-rehab na dahil, “Mentally, hindi na ako makapag-isip ng diretso. Hindi ko na mapagkatiwalaan ‘yung mga sarili kong desisyon, responsibilidad at disiplina nawawala na rin sa akin.

Wala na, emotionally hindi ko na kaya i-control.” Ito rin daw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Jessy Mendiola, “Sa bisyo ko, sa mga ginawa ko sa sarili ko, wala pong kinalaman si Jessy doon.

Decision ko ‘yun, choices ko ‘yun, and naging rason ‘yun kung bakit kami naghiwalay. Isa po ‘yun sa maraming rason.”
Sa ngayon, under 15-month rehabilitation program si JM, at marami raw siyang natutunan sa loob ng rehab, “Na-appreciate ko ‘yung mga simpleng bagay na nabibigay sa akin, simpleng bagay na nilalatag sa akin ng Diyos. Kasi noon, wala akong kinikilalang kahinaan ko.

Akala ko kaya ko lahat.” Anytime soon ay magbabalik na sa showbiz si JM kasama ang pag-asa na bigyan siya uli ng chance ng publiko.

( Photo credit to jm de guzman official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending