Bayaran ang utang para di apektado ang retirement pay | Bandera

Bayaran ang utang para di apektado ang retirement pay

Lisa Soriano - August 01, 2014 - 03:00 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line at sa SSS. May gusto po sana akong itanong sa SSS tungkol po sa status ng aking membership.

Sa ngayon po ay wala akong permanenteng trabaho.

Isa po akong mason. Kung meron lang magpapagawa ng bahay, saka lang ako nagkakaroon ng trabaho.

Gusto po sanang malaman ang status ng aking contribution. Nakailang hulog na po ba ako at kumustahin ko po ang status ng aking loan dito at kung pwede na sana na tanggalin ang penalty.

Maari ko na rin po bang ipagpatuloy ang paghuhulog kahit boluntaryo?
Henry Guzman
SSS no. 03-5919063-2

REPLY: Ito ay kaugnay sa katanungan ni G. Henry Guzman hinggil sa status ng kanyang pagiging miyembro sa SSS at ng kanyang salary loan.

Base sa aming rekord, si G. Guzman ay may 99 buwanang hulog.
Ito ay kulang pa ng 21 kontribusyon upang makumpleto ang required 120 monthly contributions para mag-qualify para sa lifetime retirement pension.

Aming pinapayuhan si G. Guzman na ipagpatuloy ang paghuhulog ng kanyang buwanang kontribusyon upang makumpleto niya ito.

Ang kanyang salary loan naman noong Setyembre 6, 1991 na nagkakahalaga lamang ng P6,000 ay umabot na sa P45,866.42 habang ginagawa ang sulat na ito. Sa halagang nabanggit, P29,266.42 ang kanyang penalty at P10,600 naman ang interest.

Ang penalty sa salary loan ni G. Guzman ay hindi maaaring tanggalin sapagkat ayon sa terms and conditions ng loan, may 1 percent penalty na ipinapataw dito sa bawat buwan na ito ay hindi mabayaran.
Ang penalty kasama ang interest ay patuloy na lalaki hangga’t hindi ito nabayaran.

Aming pinapayuhan si G. Guzman na kanyang bayaran ang salary loan nang sa ganoon ay hindi ito ikaltas sa kanyang retirement claim.
Maaari niya itong bayaran in full o installment.

Salamat sa patuloy na pagtitiwala sa SSS at nawa’y nasagot namin ang mga katanungan ni G. Guzman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Office IV
Media Affairs
Department
Social Security
System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected]. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming
makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk – Mag-usap Tayo, tuwing Lunes,
Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust ream.tv/channel/dziq.vvv.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending