Sey ni Hayden: Belo may ibang lalaki | Bandera

Sey ni Hayden: Belo may ibang lalaki

- February 15, 2012 - 01:54 PM

Baligtad na ang kuwento ngayon.

Ang unang bersiyon ay nahuli ni Dra. Vicki Belo si Hayden Kho na nambababae pa rin sa kabila ng kanilang relasyon.

Nagalit ang pamosong doktora, nakipaghiwalay siya kay Hayden, sawang-sawa na raw kasi siya sa mga pinaggagagawa ng doktor na natanggalan ng titulo.

Pero nu’ng isang araw lang ay naghugas-kamay naman si Hayden, sa kanyang mensahe ay sinabi nito na napaka-unfair daw ng mga naglalabasan.

Ang kanyang sabi, “Ang labo, bro! Ako pa ngayon ang may infidelity issue, e, ako pa nga ang nakahuli!”

Ay, baligtad na ang takbo ng istorya ngayon, si Dra. Vicki na pala ang nangaliwa, hindi raw parehas ang paghusga sa kanya ng mga manunulat, dahil ang doktora pala ang kanyang nahuli.

At ‘yun ay sinabi ni Hayden pagkatapos nitong mag-post nang mag-post ng mga mensahe ng pagmamahal sa doktora, pero hindi naman ito pinansin, kaya biglang buwelta ito sa pagsasabing ang pamosong doktora raw ang nahuli nito sa kung anuman.

Hiling ng maraming kaibigang nagmamahal kay Dra. Vicki na sana nga ay nauntog na siya nang pagkalakas-lakas ngayon para makahiwalay na siya kay Hayden Kho na wala namang hangad kundi ang kaginhawahang naibibigay sa kanya ng doktora.

At siguradong maligaya ngayon ang magkapatid na Direk Quark at Crystalle Henares dahil hindi man diretsong kumokontra ang magkapatid kay Hayden bilang karelasyon ng kanilang ina ay hindi sila maligaya sa mga nangyayari sa buhay ng kanilang mommy.

Iilan lang ang nakakatanggap sa relasyon nina Hayden at Dra. Vicki, ‘yung talagang sirkulo lang ng kanilang mundo, ang lahat ay kontra na sa kanilang relasyon.

Pero sabi namin, baka bukas-makalawa ay nagkabalikan na naman sila, ‘yun ang nakakatawa pero ‘yun ang kanaturalan ng pag-ibig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending