PATAY ang 16 na katao, samantalang 11 iba pa ang sugatan matapos ang pananambang ng bandidong Abu Sayyaf sa Talipao, Sulu kahapon ng umaga, ayon sa isang opisyal ng militar.
Sinabi ni Lt. Col. Arnel Ulay, civil military operations chief ng 2nd Marine Brigade na kabilang sa mga biktima ay mga pamilya ng Barangay Peacekeeping Action Teams.
Idinagdag ni Ulay na mga miyembro ng Abu Sayyaf na nasa pamumuno ni Idang Susukan ang nasa likod ng pag-atake.John Roson
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending