Aljur tinawag na mukhang pera, babagsak at malalaos | Bandera

Aljur tinawag na mukhang pera, babagsak at malalaos

Alex Brosas - July 28, 2014 - 03:00 AM


Araw-araw ay laman ng social media ang ginawang pagsasampa ng demanda ni Aljur Abrenica laban sa GMA 7. Mas marami ang hindi nakakaunawa sa ginawa niya sa kanyang mother studio, lumalabas na wala siyang utang na loob.

Merong isang nag-advice na celebrity na dapat ay pag-isipan niya ang kanyang desisyon. Ang say naman ng isa pang celeb, mukhang napangakuan si Aljur ng isang becki.

Sa social media, hindi lang hampas kundi hambalos, in a manner of speaking, ang inabot ni Aljur. “Nakakaawa naman si Aljur. Uhaw na uhaw sa pera at kayang siraan ang mother network nya para depensahan ang sarili.

History repeated again! gaya ng ginawa ni Angel Locsin. Na kesyo wala na raw syang panahon sa GMA kaya sya lilipat. PWE! eh halos hindi na nga sumasayaw sa SOP yon eh pero nang pumunta sa ASAP sumayaw naman.

“Anong klaseng tao ang ganun? bakit kaya nilang masikmura ang pagiging walang-utang na loob at mukhang perang ugali nila? #BigBigHuge na #AljurMukhangPera,” one guy said.

Ang warning naman ng isang fan ay ito, “Pagsisisihan mo yan balang araw. Isang maling desisyon mo habang buhay mong pagsisisihan. Dpat matuto kang makontento at magpasalamat kc sa GMA ka nakilala, magkaroon ka naman ng balls at matuto kang 2manaw ng utang ng loob at dpat may prinsipyo ka.

“Hwag yung pera nalang ang iniisip mo at bkit cgurado ka ba na mag re rate ang Captain Barbell sa kabila kung ikaw gaganap? Kung hndi magre rate an0ng mangyayari sa iyo after? Mag isip ka nga pwede!” he further said.

“Let him go..mas marami pang artist ang pwedeng i develop…bakit ngayon lang sya nagsalita sa mga ganyang issues?anong dahilan?ok lng..mas maraming magagaling na GMA ARTISTS kesa sa kanya. same case with Sarah Lahbati…eventually wala rin patutunguhan ang career nyan at babalik din sa GMA,” mataray naman na say ng isa pa.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending