Rocco kay Lovi: Hindi siya ganu'ng klase ng babae! | Bandera

Rocco kay Lovi: Hindi siya ganu’ng klase ng babae!

Ervin Santiago - July 28, 2014 - 03:00 AM

MASYADO pang maaga para planuhin ang kasal. Ito ang sinabi ni Rocco Nacino nang matanong ng entertainment press kung napag-uusapan na nila ng kanyang girlfriend na si Lovi Poe ang paglagay sa tahimik..

Kuwento ni Rocco, na isa sa makakasama ni Superstar Nora Aunor sa Cinemalaya Film Festival entry Na “Hustisya” sa direksiyon ni Joel Lamangan, kumbaga raw sa baby, bagong panganak pa lang ang love affair nila ni Lovi kaya kailangan niyang patunayan kung gaano niya kamahal ang aktres.

Tuwang-tuwa ang binata nang sagutin siya ni Lovi, “Hindi ako kampante nun, kinakabahan din ako, paano kung mag-no? So sabi ko sa kanya, inaasar ko siya na may plan B naman ako, na itutulak ko siya pababa ng Eiffel Tower pag nag-no siya,” chika pa ng Kapuso actor.

Dugtong pa ni Rocco, “Sabi naman niya, hindi siya nag-regret na nag-yes siya.” “Tungkol sa kasal, hindi pa. May nagbibiro sa amin but then tumatawa lang kami and just shrug it off kasi it’s too early for that.

I can’t say talaga, matagal pa… in that range din, 10 years pa siguro. Dami pang gusto niyang gawin. Ako rin, e.”  Nilinaw din ng binata ang mga tsismis na “bilmoko girl” daw si Lovi, kung anu-ano raw ang hinihingi sa kanya ng dalaga, “No, no, no!

Hindi siya ganu’n. She’s very independent.” Samantala, very proud naman si Rocco na napasama siya sa Cinemalaya entry na “Hustisya” kung saan kasama nga niya si Ate Guy at ang kapwa Kapuso niyang sina Jeric Gonzales at Chynna Ortaleza.

Magsisimula na ito sa Aug. 1 (tatagal hanggang Aug. 10) kaya umaasa si Rocco na susuportahan sila ng manonood, lalo na ang mga loyal fans ng Cinemalaya.

Sey nga ng aktor, hinding-hindi niya makakalimutan ang experience na makasama ang Superstar sa isang proyekto, forever daw niya itong ite-treasure.

At bakit hindi, sino ba namang artista ang hindi magiging proud na makasama ang tulad ni Ate Guy sa isang movie, di ba?

( bandera.ph file photo )

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending