Dingdong namaga ang mukha, 20 beses sinampal ni Maria | Bandera

Dingdong namaga ang mukha, 20 beses sinampal ni Maria

Ervin Santiago - July 28, 2014 - 03:00 AM

HALOS mamaga ang mukha ni Dingdong Dantes sa paulit-ulit na sampal ni Maricel Soriano para sa isang eksena nila sa seryeng Ang Dalawang Mrs. Real. Hindi raw talaga pumayag ang dalawang bida sa serye na dayain ang sampalan scene para mas maramdaman nila ang bigat ng eksena.

Nabuking na kasi ni Millet (Maricel) na may iba pang asawa si Anthony (Dingdong) bukod sa kanya at ang pinakamasakit pa nito, nalaman niyang may anak pa ang asawa sa ikalawang misis nito.

Kuwento sa amin ng isang taga-production, talaga raw nanginig ang buong katawan ni Maria matapos ang eksena nila ni Dingdong, sa katunayan, kahit tapos na ang take ay tuloy pa rin daw sa pag-iyak ang Diamond Star dahil hindi niya agad mabitawan ang kanyang karakter.

Dahil nga rito, nilapitan daw agad ni Dingdong ang kanyang partner at binigyan ng comfort. Samantala, nag-sorry din naman si Maria kay Dingdong dahil sa makatotohanang pagsampal niya sa aktor.

Balitang umabot sa 20 sampal ang inabot ni Dong kaya namula nang todo at halos mamaga ang kanyang mukha. Bukod pa raw diyan ang paglapirot ni Maria sa kanyang face.

Sa isang interview sinabi ni Dingdong na nagpaka-professional lang siya kaya pumayag siyang gawing totoo ang sampal sa kanya ni Maricel, “Sabi ko sa sarili ko, kulang pa ‘yan sa mga kasalanang nagawa ni Anthony sa asawa niya.

Kaya sa mga may balak gumawa ng kamalian, mag-isip isip at baka ma-23 (bilang ng sampal) din sila or even more.”
Ngayong gabi nakatakdang ipalabas ang napakatinding confrontation scene sa Ang Dalawang Mrs. Real sa GMA TeleBabad.

At pagkatapos niyan, hintayin n’yo naman ang mas malakas na pagsampal ni Maricel sa isa pang Mrs. Real na si Lovi Poe. In fairness, pumayag din si Lovi na totohanin ang sampal sa kanya ng Diamond Star.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending