Games Today
(The Arena, San Juan)
2 p.m. Perpetual vs JRU
4 p.m. SSC-R vs Arellano
Team Standings: San Beda (5-0); Perpetual Help (3-0); San Sebastian (3-1); Arellano U (3-1); Lyceum (3-2); JRU (2-3); St. Benilde (1-3); Emilio Aguinaldo College (1-3); Letran (1-4); Mapua (0-5)
MAPANATILING malinis ang karta ang nais ng Perpetual Help Altas sa pagsagupa nito sa Jose Rizal University Heavy Bombers sa pagpapatuloy ng 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena, San Juan City.
Ikaapat na tagumpay ang nakataya para sa Altas kung mananalo ito sa unang laro habang ang San Sebastian at Arellano University naman ay mag-uunahan sa kanilang ikaapat na panalo matapos ang limang laro sa ikalawang seniors game.
Nasa unahan ang four-time defending champion San Beda (5-0) na walang laro ngayon. Bagaman llamado pa ring maituturing ay hindi puwedeng maliitin ng Altas ang Heavy Bombers na magpupursiging bumangon mula sa 80-84 pagkatalo kontra Lyceum sa huling laro.
Sasandig ang Altas kay Earl Scottie Thompson na may average na 22.7 puntos, 11 rebounds at 7 assists.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.