SC di magbabago ng isip | Bandera

SC di magbabago ng isip

Arlyn Dela Cruz |July 22,2014
facebook
share this

SC di magbabago ng isip

Arlyn Dela Cruz - July 22, 2014 - 03:00 AM

SA halip na mahinto ang mga tanong ay lalong naging kumplikado ang isyu tungkol sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program o DAP dahil sa inilabas ng Department of Budget and Management na listahan daw ng pinaggugulan ng pondo.

Paano matitiyak na sa ganito at ganoon nga nagugol ang halagang iyon? Kailan ginawa? Paano? Ano ang pamamaraan?

One case in point is the P625-Million Pesos supposedly allotted for the Conduct of National Survey of Farmers/Fisherfolks/IPs or the Indigenous People, a fund allocation under DAP that was directly dispensed with by the DBM itself. Again, saan ang detalye?

At ang hindi maitatangging ay nang gugulin para sa Landowners Compensation. At para saan nga ba kundi sa mga landowners ng Hacienda Luisita na kinupirma ng Department of Agrarian Reform na doon nga napunta. Really now? Kung hindi sana si Benigno Simeon Aquino III ang nakaupong pangulo at nailaan ang halagang P5.4-bilyon, maaaring walang pipiyok. And the irony of it all, he wants us all to believe that he has no interest with anything or everything that has to do with Hacienda Luisita.

Eto pa, ang Philippine National Police pala ay nakatanggap ng higit P2 bilyon mula sa DAP. Bukod pa yan sa P7.8 bilyon budget nito noong 2013. May pitong items ang sinasabing pinaggugulan nito. Una, nasa item #49 na nasa DBM disclosure ay ang para sa PNP nga na naka-allot sa Department of Public Works and Highways para sa construction ng PNP Maritime Group Training Facility sa Mabini, Batangas; item #50, halagang P8.722 million para sa construction ng PNP Crisis Action Force Building sa Camp Crame; kasama rin dito ang P115.556-Million para sa implementasyon ng P1,000 per capita/personnel para sa bawat police station na naaayon sa probisyon ng No. 8 para sa Fiscal Year 2011 na nasa Item #57; sa Item #81, P100-Million para naman sa gugulin sa paglilipat ng tanggapan ng Department of Interior and Local Government sa bagong gawang 30-storey building ng NAPOLCOM.

May inilaan ding P128.21- milyon para sa construction ng 20 bagong police station at para sa hiring ng non-uniformed personnel na nakalagay sa Items #82 at 110 na pinaglaanan ng DAP ayon sa DBM; Ika-pito ang P2- milyon para sa additional budger ng PNP Modernization Program sa Item #111.

Oo nga at may rason o dahilan ang alokasyon ng pondo. Pero hindi iyon ang isyu; ang isyu ay yung paglikha ng DAP mismo.

Unless we adhere to the principle of the end justifying the means but isn’t that Machiavellic?

Isa pang isyu rito ay kung paanong nagugol ang lahat ng budget sa mga item na nabanggit.

Kung meron mang isang ahensiya na dapat buhusan ng pondo, isa ako sa sasangayon na isa ang PNP doon.

Pero tama ba ang prayoridad? Kung hindi inurirat ang DAP, malalaman ba natin ang mga itemized allocations na ito?

Ang susunod na hakbang ay ang uriratin kung tama nga ba ang paggamit ng pondong ito na sabi ng Korte Suprema ay pondong labag sa Saligang Batas.

Yun nga ang tunggalian dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nasa Korte Suprema na ang Motion for Reconsideration na inihain ng Malacanang hinggil sa desisyon nito na nagsasabing unconstitutional ang DAP.Tingin ko, hindi babaguhin ng korte ang kanilang desisyon. At alam kong hindi ako nag-iisa sa paniwalang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending