Serye ni Jasmine sa TV5 patok sa mga bagets | Bandera

Serye ni Jasmine sa TV5 patok sa mga bagets

Ervin Santiago - July 18, 2014 - 03:00 AM

JASMINE CURTIS-SMITH

Enjoy na enjoy pala si Jasmine Curtis sa pagiging independent ngayon. Ilang buwan na ang nakararaan nang umalis siya sa poder ng ate niyang si Anne para mamuhay ng solo.

“Of course you want to grow up, you want to mature, you want to learn how it is to live on your own and be a real woman. You have to really put yourself out there and be adventurous in terms of living on your own and really finding out what it’s like to be a mature woman,” sey ng Kapatid star sa isang interview.

At 20, hindi ba napakabata pa niya para magsolo, “Of course I’m still young but at the same time, it’s nice to know that I can hold all these responsibilities on my own.”

Marunong din daw magluto kahit paano ang dalaga, “I cook like chicken nuggets, not yet real meals. Ha-hahaha. I have someone naman to cook for me at home. Hindi pa ako ready ng totoong meals na ang daming ingredients. Mga simple pa lang.”

Anyway, maswerte si Jasmine dahil tuluy-tuloy pa rin ang takbo ng kanyang suspense-drama series sa TV5, ang Jasmine dahil maganda naman ang pagtanggap ng viewers sa show. Patok na patok daw ito sa mga bagets.

May nagkuwento nga sa amin, na maganda at kakaiba ang atake ng seryeng ito ni Jasmine kumpara sa mga umeere ngayong teleserye sa ibang network. Kaya kung gusto n’yo raw tumikhim ng ibang putahe pagdating sa mga soap opera, i-try n’yo raw ang Jasmine dahil talagang tututukan n’yo ito kapag napanood n’yo na.

Napapanood ang Jasmine tuwing Linggo, 5 p.m. sa TV5 at may replay sa gabi, at 10 p.m.. Ito ay sa direksiyon ni Mark Meily.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending