Maja, Gerald handa nang magpakasal | Bandera

Maja, Gerald handa nang magpakasal

Ambet Nabus - July 17, 2014 - 03:00 AM

TOTOO nga kaya kapatid na Ervin na noong gabi ng matagumpay na concert ni Maja Salvador kung saan napatunayan nitong isa na siyang “legal performer” ay nagkabiruan daw ito at ang dyowang si Gerald Anderson na “handa na kaming magpakasal!”

Ayon sa aming source na malapit na malapit sa dalawa, aligagang-aligaga raw si Gerald early that night dahil ito pa ang mas ninenerbiyos sa GF na nakiusap nga sa kanya na huwag nang magpakita sa concert dahil baka ma-conscious siya while performing.

Pero siyempre hindi napigilan ang aktor dahil nu’ng maramdaman daw nitong komportable naman sa paghataw (at nakipaghatawan pa sa idol nitong si Jaya huh!) si Maja eh, talagang proud itong dumisplay at umakyat pa sa stage sabay bigay ng flowers sa dalaga.

In fact, nakadagdag nga sa kilig ng mga manonood ang eksenang yakapan at halikan nila on stage kaya’t nauwi nga raw sa usaping kasalan ang biruan.

Sumakay naman diumano si Maja at sumagot pa ng pasigaw, “Kasalan na”. Sinakyan naman daw ito ni Gerald. Pero feeling namin, handa na si Gerald na mag-asawa dahil financially and emotionally stable na naman siya, di ba?

Ang tanong si Maja kaya ready na?

But in fairness ayon sa aming mga kaibigan na nagbayad para mapanood ang show ni Maja ay sulit naman daw ang pera at oras nila. “May K na siyang magperform.

Nasa tono naman ang mga kanta at naabot niya ang mga high notes,” komento ng isa. Hindi nga nila akalaing makekeri ni Maja na makipagsabayan kay Jaya na siya palang dahilan ng lahat kung bakit kinarir ng aktres ang pagkanta.

Idolo pala ni Maja ang Soul Diva at bukod tanging mga kanta nito ang pinagpraktisan ng dalaga at ginawang national anthem kahit saan siya mag-perform.

Kaya naman hindi nabigo ang aktres sa hiling niyang maka-duet ang idolo dahil ito pa raw ang giliw na giliw sa antics at lakas ng loob ng dalaga.

In fact, kakaibang “high” din daw ang naramdaman ni Jaya nang makasama niya sa stage ang isang Kapamilya at mapaligiran ng mga ABS-CBN identified people and fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Masarap din pala,” ang tsika nito sa stage nang magkasama sila ni Maja.

( Photo credit to maja salvador official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending