Deniece gumamit lang ng tansan sa pagsu-suicide, ang bababaw ng hiwa | Bandera

Deniece gumamit lang ng tansan sa pagsu-suicide, ang bababaw ng hiwa

Cristy Fermin - July 15, 2014 - 03:00 AM


Tansan ang ginamit na panghiwa ni Deniece Cornejo sa kanyang braso. Mabababaw lang ang hiwa, ‘yung halos bumaon lang nang konti para dumugo, pero ang press release ng kanyang Lola Florencia ay naghiwa siya ng pulso para idiin ang ideyang nagtangkang magpakamatay ang kanyang apo.

Maiintindihan agad ang pinagdadaanan ngayong senaryo ni Deniece at ng iba pang personalidad na sangkot sa mga kasong isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanila.

Pero nasa huli talaga ang pagsisisi, nu’ng mangyari ang ginawa nila kay Vhong, dapat ay handa na rin ang kanilang kalooban sa mangyayari sa kanila.

Alam naman nila na kilalang personalidad si Vhong, siguradong pagpipistahan ang kanilang ginawa, kaya dapat ay hindi na nila pinalalaki pa ang mga pangyayaring alam naman nilang kakambal ng kanilang ginawa.

Oo, nakikisimpatya tayo sa taong nakadapa na, oo pa rin, nakakaawa ang isang tulad niya na naghihimas-rehas ngayon, pero kung babalikan natin ang pinakaugat ng senaryong ito ay sino ba ang dapat sisihin kung bakit nagkakaganyan ang buhay niya?

Ano’ng sabi ng piskalya sa resolusyon ng kaso? Kung totoong pinagtangkaan (o ginahasa na nga) siyang halayin ni Vhong nu’ng January 17, bakit pa uli niya pinatuloy ang aktor sa kanyang condo unit nu’ng January 22, kahit batang sipunin nga naman ay maguguluhan sa kanyang sinumpaang-salaysay.

Ang bawat aksiyon ay may reaksiyon. Kung malakas ang pagbato mo ng bola sa pader ay malakas din ang pagtalbog nu’n pabalik sa iyo. Ganu’n lang ang buhay, kapag gumawa ka ng mabuti ay maganda rin ang balik sa iyo, kung palso ay may kapasurahan.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending