Jm de Guzman magaling na, balik-showbiz | Bandera

Jm de Guzman magaling na, balik-showbiz

Ervin Santiago - July 15, 2014 - 03:00 AM


Good news naman para sa mga fans ng Kapamilya actor na si JM de Guzman. Magbabalik-showbiz na nga ang binata matapos ang ilang buwang pagkawala sa limelight.

Kung matatandaan, nabalitang nagpa-rehab si JM dahil na rin sa diumano’y pagkalulong nito sa bisyo. Sinisisi ng ilang malalapit sa aktor ang ilang kaibigan nito na sinasabing siyang bad influence kay JM kaya biglang nasira ang diskarte nito sa buhay.

Mismong ang ama ni JM ang nagsabi noon na mawawala muna sa showbiz ang binata para asikasuhin ang kanyang personal na problema. At sa Instagram account nga ng direktor na si Wenn Deramas, kinumpira nito na muli silang magkakatrabaho ni JM.

“Reunited kami ng aking Baby Gabriel ng Mula sa Puso! Abangan niyo ang mga gagawin namin ha!” sabi ni direk Wenn. Huling nagkatrabaho ang dalawa sa remake ng seryeng Mula Sa Puso noong 2011.

Mismong si JM naman ang nagbalita sa kanya ring Instagram na malapit na siyang bumalik sa trabaho. Nag-post pa siya ng picture nila ni direk Wenn sa Instagram na may caption na, “With Nanay @wennderamas.

Sobrang Salamat. Much love and respect.” Huling napanood si JM sa serye ng Dos na Angelito: Ang Bagong Yugto (2012) at sa pelikulang “On the Job” ni Piolo Pascual.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending