Anne maraming natutunang aral sa Dyesebel
Huwag na huwag palalampasin ang nalalapit na pagtatapos ng fantaseryeng Dyesebel nina Anne Curtis, Sam Milby at Gerald Anderson sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Siyempre, lahat ng members ng cast ng Dyesebel ay malungkot sa pagtatapos ng kanilang programa, lalo na si Anne, pero kasabay nito ay ang kaligayahan din na kanilang nadarama dahil sa suportang ibinigay ng manonood sa Dyesebel na mula simula hanggang sa nalalapit na ending nito ay nananatiling napakataas ng rating.
Sabi nga ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas na gumanap na nanay-nanayan ni Anne bilang si Dyesebel, mas mabuti na ‘yung magtapos sila na napakataas ng rating kesa bumaba pa ito kung patatagalin pa sa ere at lumaylay na ang kuwento.
‘Yan din ang pananaw nina Anne, Sam at Gerald, kesa nga naman pilitin pa itong pahabain pero maaapektuhan na ang kuwento, mas okay na raw ‘yung magpaalam sila na nakakapit pa rin ang viewers.
Dagdag pa ni Anne, isa raw ito sa mga proyektong hinding-hindi niya makakalimutan at forever na magiging proud na nagampanan niya ang isa sa mga makasaysayang Pinoy character sa telebisyon at pelikula.
Kaya tutukan na ang pagtatapos ng Dyesebel after TV Patrol at alamin kung happy ending nga ba ang naghihintay kina Dyesebel at Fredo (Gerald). Kasama pa rin dito sina Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla, Andi Eigenmann at marami pang iba.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.