BUBUKSAN ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang ikatlong quarter ng 2014 with exciting projects tulad ng kanyang pinakabagong TV show sa ABS-CBN, ang ikatlong season ng reality-based talent search para sa mga bata, ang Promil Pre-School i-Shine Talent Camp, Sabado ng umaga after Spongebob Square Pants.
Sa loob ng 25 taon, isa sa mga adbokasiya ng Promil Pre-School ang development ng talent ng mga kabataang Pinoy sa tulong ng mga magulang, tamang pag-aaruga, at wastong nutrisyon.
In line with this, nais ng i-Shine Talent Camp na tulungan ang mga exceptionally talented preschoolers na mai-develop ang kanilang full potential. Sina Dimples Romana, Matteo Guidicelli at Xian Lim ang hosts ng show.
Napili si Zsa Zsa bilang isa sa mga mentors ngayong taong ito kasama sina Georcelle Dapat-Sy at Angel Locsin. Bilang isang magaling na singer, recording artist, at concert performer na mahigit 30 years na sa industriya, gagabayan ni Zsa Zsa ang top 12 i-Shiners sa pag-develop ng kanilang aptitude sa larangan ng musika.
Bukod dito, happy din ang Divine Diva sa tagumpay ng serye nilang Dyesebel dahil sa pagiging number one nito sa ratings game. Sa huling linggo ng Dyesebel, abangan kung magtatagumpay si Enana na paghiwalayin sina Dyesebel at Fredo.
At siyempre, tuwing Linggo ng tangahli, regular pa ring napapanood si Zsa Zsa sa ASAP. Sa pelikula naman, natapos na rin ni Zsa Zsa ang pelikulang “M. (Mother’s Maiden Name)” under Quantum Films.
Sa panulat at direksyon ni Zig Dulay, ang “M. (Mother’s Maiden Name)” ay tungkol kay Madame Bella (Zsa Zsa), isang single working mother na may cancer.
Ilalahok din sa isang international film festival ang movie ng Divine Diva at ipalalabas naman dito sa bansa bago matapos ang taon.
Samantala, ang kanyang ikalawang full-length solo studio album under sa Polyeast Records na pinamagatang “Noon, Ngayon, Bukas, Kailanman…Palagi” ay mabibili pa rin sa mga record bar.
“Sobrang blessed at humbled po ang aking pakiramdam dahil bahagi ako ng magagandang mga proyekto,” ayon kay Zsa Zsa. “Maganda pong maging abala sa trabaho at lubos po akong nagpapasalamat sa patuloy na tiwala sa akin ng ABS-CBN at Polyeast Records.
Ngayong 30 taon na po ako sa industriya, tunay ko pong masasabi na marami pa po akong ibig ma-accomplish sa aking craft. Excited po ako kung ano ang naghihintay para sa akin sa future,” sey ni Zsa Zsa na super happy din ang lovelife.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.