P-Noy, cabinet members tinalbugan ang mga komedyante sa comedy bar | Bandera

P-Noy, cabinet members tinalbugan ang mga komedyante sa comedy bar

Jobert Sucaldito |July 12,2014
facebook
share this

P-Noy, cabinet members tinalbugan ang mga komedyante sa comedy bar

Jobert Sucaldito - July 12, 2014 - 03:00 AM

 


NATAWA ako nang napanood ko ang isang clip ng ANC about P-Noy’s statement on the resignation attempt ni Budget Sec. Butch Abad.  Siyempre ang audience niya ay ang sandamakmak niyang cabinet members.

He said that he received a letter from Sec. Abad who was tendering his resignation kaya heto, pumalag ang mahal ninyong pangulo. Sinabi ni P-Noy na hindi niya tinanggap ang pagre-resign ni Abad kaya nagpalakpakan ang lahat ng tuta niya sa nasabing pagpupulong.

Kasi nga, iisa ang kulay nila – mga “yellow” people silang lahat. Hindi yellow for “hepa” ha! Mas malala pa actually ang dating sa amin. Natural na hindi niya papayagang manaig ang mga kalaban nilang matanggal si Sec. Abad kasi nga, nakahanda na ang paglatag nito ng 2015 allocations ng DAP na pakikinabangan ng office of the President, di ba?

Mahirap kasing magkawindang-windang ang budget office natin pag nawala si Abad at this point in time – baka yung papalit sa kaniya ay hindi kayang manipulahin ng kaniyang amo.

Paano na ang kadahtungan nila pag nawala si Abad na dawit man sa P10 billion pork barrel scam ay nakuha pa rin nilang gawing pure and angelic?

Isa iyan sa pinakamahalagang ahensiya ng pamahalaan – ang budegt office dahil diyan lang puwedeng mabuhay ang isang lider, kahit sinong nakaupo.

Sa inyo na ang ibang komisyon – sa inyo na ang Customs, ang DPWH basta sa presidente ang Budget Office, di ba? Mas malaki ang mawawala sa panguluhan pag hindi niya hawak ang ingat-yaman ng bansa, ‘no!

Naaliw lang ako sa mga nagmukhang engot na pumalakpak sa announcement ni P-Noy na hindi niya tatanggapin ang resignation ng kaniyang favorite tuta.

They’re all dressed for the occasion – at parang mga syongiks na sumisipsip sa kanilang amo. Parang nanood lang ako sa Zirkoh ng isang comedy show. Ha-hahaha!

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending