Sulat mula kay Leena, ng Barangay Bag-ong Lungsod, Tandag City
Dear Sir Greenfield,
Tatlong gabi ko nang napapanaginipan ang pagtakbo. Hindi naman sunud-sunod na gabi, pero isang beses sa isang linggo. At sa nakalipas na buwan ay tatlong gabi ko nang nakikita sa panaginip ang aking pagtakbo, bagaman wala namang humahabol. Nag-apply ako ng trabaho sa ibang bansa at inaasikaso naman ako ng agency na nilapitan ko. Hindi naman ako kinakabahan sa agency na ito, di tulad sa unang nilapitan ko. Kaya binawi ko roon ang aking application. Ipinanganak ako noong Nob. 20, 1990.
Umaasa,
Leena, ng Barangay Bag-ong Lungsod, Tandag City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May mabiyayang paglalakbay na magaganap sa buhay mo dahil sa malawak at maayos na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ang takbo nang takbo ay walang humpay na pagsisikap. Aalis ka ng bansa sa susunod na taon.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Three of Hearts at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling natuloy ka sa pangingibang-bansa, isang lalaking kasing edad mo rin ang iibig sa iyo.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.