Mga Laro sa Linggo
(Cuneta Astrodome)
3 p.m. Petron vs PLDT (women’s quarterfinals)
5 p.m. AirAsia vs Cagayan Valley (women’s quarterfinals)
7 p.m. PLDT Air Force vs Via Mare (men’s)
TINAPOS ng Petron Lady Blaze Spikers ang dalawang sunod na pagkatalo sa pamamagitan ng 25-17, 23-25, 25-20, 25-19 panalo sa Cignal HD Lady Spikers kagabi sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Bumalik ang tikas ng laro ni 6-foot-2 Dindin Santiago sa kanyang 24 puntos na sinamahan ng 19 kills habang may 11 puntos pa si Sandra Delos Santos. Sina Mayette Zapanta at Carmina Aganon ay nagsanib sa 13 puntos para tapusin ng Lady Blaze Spikers ang elimination round kabilang sa apat na koponan na nasa itaas ng team standings sa 4-2 karta.
Pero ang Generika-Army at RC Cola-Air Force ang nagtala ng mas magandang quotient para umabante na sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang PLDT Home DSL bukod sa suporta ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
Ang Petron at AirAsia, na may 4-2 baraha rin, ay dadaan sa quarterfinals at makakatapat ang PLDT Home TVolution at Cagayan Valley, ayon sa pagkakasunod, para malaman ang kukumpleto sa Final Four.
Ang pagkatalong ito ng Cignal, na pumangalawa sa naunang dalawang kumperensiya, ay nagresulta para mamaalam sila sa liga tangan ang mahinang 1-5 baraha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.