Speaking of Jaclyn Jose ay tinanong namin kung kumusta ang working relationship nila ni Mark Girl na ama ni Andi Eigenmann.
At diretsong inamin ng aktres na tinanggap niya ang project dahil alam niyang mamamatay naman agad ang aktor.
“Kasi, siyempre, iniiwasan nila ‘yung delay ng trabaho. Sabi ko, okay lang mamamatay naman siya, eh,” dire-diretsong sabi ni Jaclyn.
Mag-asawa ang role nina Jaclyn at Mark at maagang mamamatay ang huli na umabot lang sa tatlong taping days kaya sa ikatlong episode daw ay tsugi na sa serye ang aktor.
Sa tanong kung okay sila ni Mark, “Hindi. Hindi ko alam kung bakit hindi kami maging (okay) civil man lang.
Ewan ko sa kanya! Parang kung ituring niya ako, eh, parang…parang hindi kami nagkaanak, e.
Para siya ang galit sa akin, parang asar, siya sa akin” kuwento pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.