Sipsip: Isyu sa parasitism (part 2) | Bandera

Sipsip: Isyu sa parasitism (part 2)

Dr. Hildegardes Dineros - July 09, 2014 - 03:00 AM

ANG “microbial parasitism” ay isang natural biologic phenomenon dahil kailangan mabuhay ng isang organismo (parasite) sa pamamagitan ng pagsipsip sa kanyang tinitirahan (host). Madali namang gamutin ang parasitism kapag nakita ito. May mga tests sa dugo, dumi, ihi, biopsy ng organs at ang makita mismo ang parasite sa microscope.

Ang tao ay natural na social being. “No man is an island,” ika nga. Sa mga relasyon, kailangan na magkaroon ng positibong epekto sa kalusugan.

Mayroong independence ngunit ang lahat ng tao ay interdependent. Sa bandang huli, ang tao ay dapat na lubusang dependent sa Poong Maykapal lamang.

Maaari na mabuhay ang isang tao o kaya naman ay makinabang sa kanyang kapwa. Magandang sitwasyon ito ngunit ang hindi nararapat ay ang panghabambuhay na dependence.

Ang tao habang nasa sinapupunan ng ina ay isang parasite. Pagkapanganak, unti-unti siyang nagkakaroon ng kalayaan na mabuhay ng mag-isa at alagaan ang sarili. Sa gana ng kalusugan, mahalaga itong konsepto na ito kasi responsibilidad ng tao ang kanyang sariling kalusugan kung kaya’t hinahangad na siya ay matuto na pangalagaan ito.
Social parasitism in ants (langgam)

Kapag nakakita ka ng isang tirahan (anthill) ng mga langgam at napansin mo na magkasama ang dalawang kulay at klase nito gaya ng pula at itim, ang una mong masasabi ay ang pagkakaibigan ng mga ito. Ang hindi mo alam ay ang social structure na mayroon sila kung saan ang pulang langgam ay nang-aalila at ang itim ang mga alila ay mga alila. Ang itim na langgam ay nagtratrabaho para mabuhay ang langgam na pula, at wala silang kabayaran!

At kapag nagampanan na ang katungkulan, pinapatay ng pulang langgam ang itim.
Andoon ang agression.

Ang katotohanang ito ay hindi lamang nakikita sa mga insekto kundi pati sa tao. Ang social parasitism sa tao ay iba’t iba ang anyo at hugis. Mula sa pamilya, sa mga kaibigan, sa paligid, sa bansa at kahit sa buong mundo nakikita natin na may nang-aapi at may naaapi, may nananakop at may nasasakop, may mayabang at may kawawa, may mayaman at may mahirap, may ganid kung kaya’t ang iba ay kinukulang. Ang sanhi ng lahat ng ito ay isang sakit ng kaisipan, ang pagiging makasarili na buong kabaligtaran ng pagiging makaDiyos. Totoo na sakit ito ng kaisipan. Hangad natin na magaan ang kaisipan para malusog ang katawan. Alalahanin kaibigan na desisyon mo ang kailangan para maayos mo ang iyong kalusugan.

 

Inaanyayahan ko kayo na makinig sa “Radyo Mediko” sa Radyo Inquirer 990am DZIQ tuwing alas 8-9 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending