Di yayaman sa gov't | Bandera

Di yayaman sa gov’t

Joseph Greenfield - July 07, 2014 - 01:38 PM

Sulat mula kay Delfin, ng San Remigio, Antique
Dear Sir Greenfield,
Bagaman hindi pinadapa ang kabuhayan ko ng bagyong Yolanda, biktima rin ako.  Sa kapirasong lupa na sarili ko na ay nagtatanim ako ng sari-sari cash crops, lalo na ang walang kamatayang kamote.  Anim na taon na akong hindi nadadagdagan ang suweldo sa gobyerno at naiiwan sa “abot” ng politiko dahil hindi ako kaalyado.  Ganyan ang kalakaran dito.  Sa tuwing suweldo, na madalas mabalam, ay naaawa na ako sa sarili ko.  Minsan dumarating ang mahigpit na pangangailangan o emergency.  Nakakaisip na ako ng masama pero napipigilan ng pagiging Katoliko ko.  Bubuhayin ni misis ang kanyang babuyan sa lote ng nanay niya, pero wala kaming puhunan.  Yayaman ba kami sa negosyo at sariling sikap? January 15, 1964 ang birthday ko.
Umaasa,
Delfin, ng San Remigio, Antique
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Nagpalit at naiba ang linya ng Fate Line o Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, mula sa trabaho sa gobyerno, magiging matagumpay na negosyante ka.  Pero, hindi mabilis at madali ito.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Eight of Hearts at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing higit ka ngang papalarin at uunlad, sa negosyong may kaugnayan sa paghahayupan, kesa pamamalagi sa gobyerno.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending