Lorna handa na uling magpa-stem cell, ipatitikim din sa 2 anak | Bandera

Lorna handa na uling magpa-stem cell, ipatitikim din sa 2 anak

Ervin Santiago - July 07, 2014 - 03:00 AM


Nakatakdang pumunta ng Germany si Lorna Tolentino para muling magpa-stem cell therapy. Kasama niyang aalis ang dalawa niyang anak na sina Rap at Renz Fernandez. Sabay-sabay silang sasailalim sa nasabing medical procedure.

Kuwento ni LT, kailangan na uli niyang magpa-stem cell para ma-maintain ang kanyang maayos na health condition. Dalawang taon na ang nakararaan ay sumailalim din sa nasabing procedure ang aktres at aniya, napakaganda ng nagawa nito sa kanya dahil nawala nga ang sakit ng kanyang likod, balakang at mga hita na lagi niyang inerereklamo noon.

Ayon kay LT, maayos pa rin naman ang pakiramdam niya, pero ayaw na niyang hintayin pa na bumalik ang pananakit ng kanyang likod kaya nag-decide na siyang magpa-stem cell uli.

And this time, isasabay na rin niya sa treatment ang dalawang anak na first time nilang mae-experience. Nakapagpaalam na si LT sa production ng bago niyang teleserye sa GMA na My Destiny starring Carla Abellana and Tom Rodriguez, nakapag-advance taping na siya kaya hindi naman siya mawawala sa serye. Sasamantalahin naman ni Renz na magbakasyon muna bago sumalang sa taping ng remake ng drama series na Yagit.

Samantala, marami pang gustong makatrabaho sa GMA si LT, tulad nina Marian Rivera, Dennis Trillo at Mark Anthony Fernandez na anak ng yumao niyang asawang si Rudy Fernandez kay Alma Moreno.

Wala naman siyang masasabi sa pagiging professional nina Rhian Ramos at Carla Abellana, ang mga gumaganap niyang anak sa My Destiny, bukod kasi sa magagaling nang umarte ay marespeto rin ang mga ito sa kanilang mga katrabaho.

( Photo credit to lorna tolentino official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending