Lovi Poe nagmukhang losyang | Bandera

Lovi Poe nagmukhang losyang

|January 30,2012
facebook
share this

Lovi Poe nagmukhang losyang

- January 30, 2012 - 02:14 PM

True kayang iniyakan si Singson?

In the same floor of tito Dolphy sa Makati Med ay nakita naman ng isang kaibigan ko si Ronald Singson na naka-hospital gown sa pasilyo.

Hindi lang daw alam ng friend ko kung ano ang dahilan ng pagka-hospital ng dating kongresista.

“Baka nagpa-executive check-up lang kasi nga matagal din siyang nakakulong sa Hongkong, di ba? Baka iyon lang iyon.

Or baka meron siyang dinalaw na naka-ICU at kailangan siyang magsuot ng hospital gown,” anang isang taong malapit naman kay Ronald.

Puwede ngang ganoon, baka nagpa-executive check-up nga lang ito para maging in good shape sa pagharap sa bagong mundo – ang pagbabalik niya sa bansa.

Lalo pa’t mukhang nagkaayos na sila ni Lovi Poe. Kailangang nasa magandang kundisyon siya, di ba?


Marami ang naloka sa pagpunta nina Ronald and Lovi sa Cebu.

Talagang naka-private plane daw talaga ang dalawa, just the two of them with the pilot at isang flight attendant.

Iba talaga pag madahtung, ‘no! Ordinaryo lang sa kanila ang ganitong mga biyahe – may sarili silang eroplano. Kaloka!

Nag-usap daw nang masinsinan ang dating magkasintahan – they patched things up and stayed at their hotel room for two days.

May nakapansin namang mga intrigero na instead na maging fresh dahil nakapagpahinga ng two days sa hotel, nagmukha raw haggard si Lovi paglabas.

Ha-hahaha! Baka raw pinagod masyado ni Ronald.

Baka walang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak dahil baka inaway-away ni Ronald.

Basta raw, nagmukha raw ngarag si Lovi, nawala ang freshness kumbaga.

A friend of mine asked kung bakit nagmukhang sobrang liberated si Lovi lately. Hindi na raw virginal ang beauty nito.

“Tingnan mo siya sa mga pictorials niya and even sa roles na tinatanggap niya.

Para siyang woman of the world kung kumilos lately. Kulang na lang ay lumabas ang boobs niya kung manamit.

Cleavage kung cleavage. Kahit maliit ang boobs niya, talagang iwinawagayway niya.

Ganoon ba talaga si Lovi? Is she truly liberated?” tanong ng friend namin.

Ewan ko kung ganoon na ka-liberated si Lovi Poe. Matagal ko na kasi siyang hindi nakikita at nakakausap.

Basta sa pagkakaalam ko, she’s a sweet girl at matalino. Love ko ang batang iyan.

Napakagalang at mabait talaga.

Baka naman gusto lang niyang ipakita sa mundo na super independent na talaga siya at kahit na anong gusto niyang gawin ay gagawin niya dahil nga malaki na siya at kumikita na ng sarili niyang pera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero, sana makarating kay Lovi ang mga hindi kagandahang reaksiyon ng mga tao tungkol sa diumano’y pagiging liberated niya, para ma-assess niya ang kanyang sarili.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending