Kris mamamatay pag tumahimik ang buhay | Bandera

Kris mamamatay pag tumahimik ang buhay

Cristy Fermin - July 04, 2014 - 03:00 AM

KRIS AQUINO

Kailan kaya magkakaroon ng pagkakataon na matahimik ang buhay ni Kris Aquino? Kunsabagay, sabi nga ng mga higit na nakakakilala sa kanya ay gustong-gusto niya ang ganyan na palagi siyang pinag-uusapan, siya ang palaging nasa headline ng lahat ng mga babasahin.

Pagkatapos ng hiwalayan nila ni James Yap na pinagpistahan ng buong bayan dahil sa kanyang kaeemowt ay sumunod naman ang naunsiyami nilang relasyon ni Mayor Herbert Bautista.

Hindi pa man siya natatapos sa paglalabas ng emosyon dahil ngayon lang siya nakatagpo ng lalaking tatalikod lang pala sa kanilang relasyon ay ang dami-dami nang sumunod na kuwentong-Kris na palaging ginagawang pulutan ng mga tsismosang Pinoy kahit saan.

‘Yun ang gustong-gusto ni Kris, ‘yung hindi siya nababakante sa pagiging ulo ng mga kuwentuhan sa kalye, sa opisina, sa palengke, kahit saan!

Mas pinagpipistahan siya ay mas ikinaliligaya niya ‘yun, kesehodang puro negatibo ang nagiging komento ng publiko sa kanya, ikamamatay yata ni Kris ang isang matahimik na buhay.

Pinadadali niya ang trabaho ng mga reporters, totoo ‘yun, kahit ang mga talk shows ay buhay na buhay kapag may kuwentong-Kris na puwedeng talakayin. Pero hindi kaya naaapektuhan ang aktres-TV host sa mga komentong naglalabasan tungkol sa kanya?

Totoo ba ang sinabi ng isa niyang dating kaibigan na ang suwerong nagpapalakas sa kanyang katawan sa maghapon ay ang mga senaryong gustong-gusto niya?

Ang pinagpipistahan siya ng mga kababayan natin, ‘yung nagkakagulo ang mundo ng showbiz dahil sa kanya, ‘yun nga ba ang blood plasma para kay Kris Aquino?
Nakakaloka!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending