Edu kay Ate Vi: Matanda na siya, kaya niya ‘yan!
“KAYANG-KAYA niyang malampasan ‘yan!” Ito ang mensahe ni Edu Manzano sa kanyang former wife na si Gov. Vilma Santos sa kontrobersiyang kinasasangkutan nito ngayon.
Ito nga ‘yung pamba-bash kay Ate Vi ng mga netizen dahil sa ipinost na card ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account. Galing sa Star For All Seasons ang nasabing card kalakip ng mga kahon ng ensaymada na ipinadala nila kay Kris bilang pasasalamat.
Pero dahil sa ilang maling spelling at grammar sa message ni Ate Vi sa card, naging sentro ng katatawanan ang actress-politician – at ang sinisisi nga ngayon ng mga Vilmanians ay si Kris. Kung naging maingat lang daw sana ito sa pagpo-post sa IG ay hindi malalagay sa kahihiyan si Ate Vi.
Sa presscon ng bagong season ng Face The People ng TV5 kung saan madadagdag nga si Edu bilang co-host nina Gelli de Belen at Tintin Bersola, ipinagtanggol nito ang dating misis.
“Sometimes, yung interpretations can vary, depende kung sino ang nagbabasa ng mga posts na ‘yan. In my case, maingat na maingat ako kung saka-sakaling magpo-post ako sa IG.
“I stopped my Facebook kasi hindi ko rin kayang sagutin lahat ng nagpo-post or nagre-reply. Sa IG naman, mas madali, pero I try to stay away from anything that can be misinterpreted,” paliwanag ng aktor-TV host.
Sey pa ni Doods, alam niyang mamamatay din ang isyu at malalampasan ni Ate Vi, “She’s old enough to take care of herself. Ito yung mga small bumps on the road. I’m sure she’s been through worse.”
Samantala, magsisimula na nga sa Lunes (July 7) ang Face The People na ayon kay Edu ay ang pinaka-“out of the box” ng proyekto na nagawa niya sa history ng kanyang hosting career.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.