Costa Rica sinibak ang Greece sa World Cup | Bandera

Costa Rica sinibak ang Greece sa World Cup

Melvin Sarangay - , July 01, 2014 - 03:00 AM


RECIFE, Brazil — Dahil ang kanilang koponan ay umabot na lamang sa 10 katao sa halos isang oras, sinigarado ni Keylor Navas na magiging matatag ang depensa ng Costa Rica.
Ang goalkeeper na si Navas ay nagawang pigilan ang kanilang katunggali sa regulation at extra time bago makapagsagawa ng save sa penalty shootout para ihatid ang Costa Rica sa World Cup quarterfinals kahapon matapos talunin ang Greece.
Matapos na mag-dive pakanan si Navas para pigilan ang atake ni Theofanis Gekas, si Costa Rica defender Michael Umana ay umiskor ng mahalagang spot kick para sa 5-3 pagwawagi sa shootout na nagdala sa koponan para tumakbo patungo sa pitch para yakapin ang kanilang goalkeeper. Ang laro ay nagtapos sa 1-1 kasunod ang extra time matapos na ang Greece ay makapagtabla sa second-half injury time.
“It was only a dream for us, a dream that became a reality,” sabi ni Navas. “A dream that was dreamt by an entire country.”
Makakalaro naman ng Costa Rica ang isa sa mga paborito sa torneo ang Netherlands sa quarterfinals ngayong Sabado sa isang surpresa pagtatagpo sa last eight para sa bansang ang populasyon ay halos katulad ng pinakamalaking lungsod ng Brazil at hindi napipisil na makalagpas sa group stage.
“To the entire people in Costa Rica, those at home and out on the streets, this is for you,” sabi ng Colombian coach ng Costa Rica na si Jorge Luis Pinto. “This is a people that love football and they deserve it. … We will continue fighting. We will go on. We see beautiful things.”
Ang pagwawagi ay nagpasaya sa karamihan ng mga  41,000 fans sa Recife kung saan ang Brazilian locals ay sumisigaw naman para sa Costa Rica sa kabuuan ng laro at parating kumakanta ng “Ole, Ole, Ole, Ole, Ticos!” kung saan gamit nila ang karaniwang palayaw ng mga Costa Ricans.
Puros kantiyaw naman ang inabot ng Greece sa laro.
Nakalamang ang Costa Rica sa ika-52 minuto kung saan nakagawa ng goal si Bryan Ruiz subalit nagbago ang laro nang dambahin ni Oscar Duarte si Jose Holebas sa ika-66 minuto para makatanggap ito ng ikalawang yellow card.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending