Mga beki gigil na gigil kay Gary David ng Meralco Bolts | Bandera

Mga beki gigil na gigil kay Gary David ng Meralco Bolts

Cristy Fermin - July 01, 2014 - 03:00 AM


Bukod sa paglalaro ng basketball ay nahalukay ng TV5 ang isa pang tagong talento ni Gary “El Granda” David ng Meralco Bolts. Bukod nga sa pakikipagbalyahan, pagsu-shoot at pagdidribol ay magaling na dancer si Gary.

Pinatunayan ng basketbolista na hindi lang hardcourt ang kaya niyang angkinin, sinarili rin niya ang dance floor nu’ng grand finals ng dance show ni Congresswoman Lucy Torres Gomez, sila ng kanyang partner na si Chuchay Sabalo ang nag-champion sa Celebrity Dance Battle ng TV5.

Kung gaano kagilas sa paglalaro ng basketball si Gary ay ganu’n din katindi ang kanyang presensiya sa entablado.Tanong sa kanya kahapon ni Lourd de Veyra nang mag-guest siya sa Good Morning Club, “Bakit lalaking-lalaki pa rin ang dating mo kahit kumekembot-kembot ka?

“Bakit kapag ibang lalaki ang gumagawa ng ganu’n, nagmumukha silang uhummmmmmm?” natatawang pang-uurirat kay Gary ng magaling na manunulat-news anchor.

Totoo naman kasi ‘yun, bigay na bigay sa pagkembot si Gary David, pero ang maaalala mo pa rin sa kabila nu’n ay ang birador ng hardcourt na walang takot sa pakikipagbalyahan para lang maipanalo ang laban.

Nagtitilian ang mga becki kapag ginagawa ni Gary ang walang kamatayang istilo ng namayapang si Michael Jackson, gigil na gigil ang mga kaibigan naming becki, napakalakas daw talaga ng appeal ng basketbolistang tinututukan na rin nila ngayon sa PBA.

Maligayang bati sa magaling pero mapagkumbabang si Gary David, ipinagmamalaki siyang anak ng Dinalupihan, Bataan hindi lang dahil sa angat niyang paglalaro ng basketball, kundi sa pagiging magaling na dancer na rin.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending