Ate Guy proud to be Filipino…pero ikinahihiya ang Gobyerno ni P-noy
Just saw Nora Aunor wearing a black shirt with a very LOUD message on it: “Proud to be Filipino, Ashamed of my Government”.
Marami ang naintriga sa t-shirt na suot ni Ate Guy.
Pero siguradong ito na ang kanyang sagot sa pagtanggal ng Palasyo sa kanyang name sa National Artist list.
Incidentally, Nora has just finished shooting an indie film titled “Hustisya”.
It’s very apt sa kanyang situation because all she needs now is JUSTICE. Walang hustisya para sa nakararaming Pinoy ang ginawa ni P-Noy kay Ate Guy sa roster ng National Artist for this year.
Narito naman ang official statement ni Ate Guy sa isyung ito: “Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito ng usapin tungkol sa National Artist Awards.”
“Inaamin ko pong nasaktan ako sa mga nangyari. Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan, mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa, ay sapat-sapat na upang maramdaman kong maski wala mang tropeo o karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko habang buhay sa kanilang mga puso bilang isang artista ng bayan.
“Para sa akin po ay mas totoo at mas masarap ang karangalang ito dahil taus-pusong nanggagaling sa mga taong siyang dahilan kung bakit ako nagpapakabuti bilang isang artista – ang mga mamamayang Pilipino,” she added.
Sadly, we don’t have a President who listens to his “boss”. Hindi ba’t siya ang nagsabi na boss niya ang sambayanang Pilipino na bumoto sa kanya. How insensitive can someone get!!!
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.