Matt Evans ligtas na sa 2 demanda: Nakuha sa dasal!
Kitang-kita ang happiness sa mukha ni Matt Evans nu’ng makausap namin siya sa presscon ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Pure Love na magsisimula sa July 7 bago mag-TV Patrol.
Paano kasi, settled na ang kaso niya sa pagkakabangga niya noon sa poste ng barangay sa lugar nila at ang alitan nila ng ex-girlfriend niya’t ina ng panganay na anak na si Jeleen (anak ng dating sexy star na si Coca Nicolas).
“Okey na kami, settled na kami ni Geleen. Actually, natulungan din kami nu’ng pinaka-judge namin. At syempre si Lord, kakadasal, nakuha sa dasal.
Tsaka naging maayos kami, naging magkaibigan kami. Naka-move on na siya at masaya na rin siya sa ginagawa niya ngayon,” sabi ni Matt. May oras din kasi si Matt na dalawin ang anak nila ni Jeleen.
Once a week ay dinadalaw daw niya ang anak niya sa dating girlfriend. Sa July 14 ang due date ng misis ni Matt pero anytime raw ay pwedeng magsilang si Katrina.
“Sobrang excited na ako, e. Sabi ko nga sa kanya gusto ko ulit pa-ultrasound kasi gusto ko ulit makita ‘yung baby,” bulalas ni Matt.Hindi naman daw siya sad dahil girl ulit ang second child niya, “Kahit ano, basta healthy.
Marami pa namang pagkakataon.” May naisip na rin daw silang name for his baby, “Hailey,” ani Matt. “Napakagsunduan namin kasi si Hailey Williams sa Paramour sobrang gustung-gusto ko ‘yung banda na ‘yun.
‘Yung vocalist nila na babae. Actually, it’s Hailey Marley. So, Hailey Marley Evans, naks.” Bukod sa seryeng Pure Love na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Arjo Atayde, may movie rin si Matt na ginawa with Enchong Dee and Erich Gonzales, ang “Once a Princess” under the direction of Laurice Guillen.
( Photo credit to matt evans official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.