2 kanta ni Julie Anne gagamitin sa 2016 Eucharistic Congress | Bandera

2 kanta ni Julie Anne gagamitin sa 2016 Eucharistic Congress

Dinno Erece - June 28, 2014 - 03:00 AM


Officially released na ang second album ni Julie Anne San Jose. Handa na ngang suungin ng Kapuso singer-actress ang mas malalim na mundo ng musika sa pamamagitan ng release ng kanyang pangalawang album na “Deeper” sa ilalim ng GMA Records.

Tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart dahil sa kanyang kakaibang karisma at galing sa pag-awit, patuloy na tumitingkad si Julie Anne  sa Philippine music industry sa paglipas ng mga taon.

Still 9 times Platinum Record award ang kaniyang self-titled debut album. Naghihintay na lang si Julie Anne ng official report if it has reached Diamond status na dahil sa pinagsamang digital at CD sales nito na humigit sa 135,000 units.

Kung ipinakilala siya bilang isang promising artist ng bright pop at R&B sa kanyang debut album noong 2012, ipapakita naman sa “Deeper” ang kanyang paglago bilang isang recording artist at simpleng babae.

Ngayong nakatakda na nga niyang iwanan ang kanyang teenage years, nagsisimula na siyang gumawa ng mga hakbang upang siya ay maging enduring figure sa local music industry.

Ang kanyang pinakabagong album ay naglalaman ng 10 all-OPM songs, kung saan anim sa mga ito ay isinulat mismo ni Julie Anne, kasama na rito kanyang title track na “Deeper” at ang kanyang lead single na “Right Where You Belong”, ang love theme ng pinakabagong primetime Koreanovela ng GMA Network na The Master’s Sun.

Samantala, ang gospel track naman nitong “Christ in Us”, “Our Hope of Glory” ay gagamiting theme song ng International Eucharistic Congress sa 2016.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending