MISTER na heart bypass sa Bahrain, ayaw papuntahin si Misis
UMIIYAK na nakikiusap si Rhodora na tulungan siyang makarating ng Bahrain dahil gusto niyang makita ang asawa habang naka-confine pa ito sa hospital, at nais niya itong alagaan.
Ngunit laking gulat niya nang abisuhan siya ng kumpanya ng mister na dalawang beses na silang nakapag request ng visa para kay misis at sa anak na dalaga nito, ngunit pinakansela daw ni mister.
Ngunit iginiit ni Rhodora na nais niya talagang makita ang mister sa ospital, kaya pinilit niyang makausap ang asawa sa ospital.
Sa kanilang pag-uusap, may gana pang magalit ang mister, habang siya naman ay alalang-alala sa kalagayan nito.
Sabi ng OFW hindi niya kailangan ang presensiya ni Rhodora roon. Hindi niya kailangang alagaan siya at baka raw manggulo lamang siya sa Bahrain.
Hindi tuloy maintindihan ni Rhodora ang asawa. Sa halip na matuwa ito, bakit ito galit na galit sa kanya. Ito rin anya ang unang pagkakataon na first time siyang minure ng mister kahit may sakit pa ito.
Ngayon mas pursigido si misis. Gusto niya talagang makarating sa Bahrain upang alamin ang katotohanan at matuludukan ang dapat na matuldukan.
Nangako pa siyang magpipigil siya anuman ang kanyang datnan doon.
Ngunit payo ng Bantay OCW maliwanang namang ayaw silang papuntahin doon ni mister. Tiyak na may itinatago ito at may iba nang nag-aalaga sa kaniya.
Kung nais niyang tuldukan ang lahat, kahit dito sa Pilipinas maaari niyang gawin iyon. Palipasin na lamang niya ang pagkakataong ito. Una, mahinang mahina pa ang asawa dahil katatapos lamang ng operasyon niya. Baka lalo pa siyang ma stress sa problemang kinakaharap.
May panahon sa lahat ng bagay. Hindi ito ang tamang panahon ng pagtutuos. Pasasaan bat matatapos din yang isyung iyan.
OFW ka ba o pamilya ng isang OFW? May nais ka bang idulog na problema sa Bantay OCW? I-text ang OCW, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.