MATUNOG na balita ang pagkakakulong ng mga kilalang tao sa ating bansa, mga pulitiko, mga negosyante, artista at iba pa.
Hindi natin pag-uusapan ang isyu kung dapat ba o hindi sila makulong. Alalahanin natin na hindi lahat ng nakukulong ay maysala at hindi lahat ng maysala ay nakukulong!
Ang hihimayin natin ngayon ay kung ano ang epekto sa kalusugan ng pagkakakulong.
Anu-ano ang mga uri ng pagkakakulong (isolation)?
Una ay ang “Physical Isolation”, kagaya nang kung ang isang tao ay nagkasakit at kailangan matigil sa ospital para hindi makahawa, o kaya naman “reverse isolation” kung kailangan ma-proteksyunan ang tao para hindi siya mahawa lalo na kung mahinang-mahina ang kanyang resistensya.
Sa mga nalalagay sa selda dahil sa problema sa batas, ang “physical isolation” ay ang mahiwalay sa dating ginagalawang environment at mga kasamahan gaya ng pa-milya, kamag-anak, ka-trabaho at mga kaibigan. Masama ang epekto nito sa kalusugan.
Ikalawang uri ay ang “Psycho-emotional isolation”.
Ang “autism”, “regression”, “flight from reality” ay mga halimbawa nito. Ang “inferiority complex” at pagiging “introvert” ay madalas na nakikita nguni’t hindi pinapansin at pinapalagpas lamang na normal.
Ang ating kaisipan (mind, self or ego) ay maaring magdesisyon na bakuran ang sarili at hindi makialam sa paligid. “Self-centeredness” ang tawag dito. Masama ang epekto nito sa kalusugan.
Ang ikatlong uri ay ang “Psycho-spiritual isolation”. Ito ay ang pagkakataon na ang ating Kaisipan (Physical Soul) ay lumilihis ng landas, na sa halip na patungo sa Diyos, humihiwaly siya sa Panginoon at pinapa-kinggan ang kalaban. Ito ang pinaka-malala na uri ng “isolation” dahil ang epekto nito ay “eternal damnation” kung tuloy-tuloy na mangyayari ito., napakasama na epekto nito sa kalusugan.
Sa Byernes ay tatalakayin natin ang lahat ng mga epekto ng “isolation” sa kalusugan, kaya abangan ninyo ito.
Inaanyayahan ko rin kayong lahat mga katropa sa Barangay Kalusugan na makinig sa Radyo Mediko tuwing 8 hanggang 9 ng gabi sa Radyo Inquirer 990AM.
Maari kayong tumawag sa telepono 519-1875 to 76, o mag-text sa 0939-8993033, at sa aming FB account na radyomediko para isangguni ninyo ang inyong mga tanong.
Abangan din araw-araw, maliban sa Miyerkules at Byernes ang Barangay Kalusugan kung saan isa-isa nating sasagutin ang inyong mga katanungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.