Noranians kay P-Noy: National Artist ang award, hindi naman siya gagawing santo!
President Noynoy Aquino received flak for booting out the name of Nora Aunor in this year’s National Artist list. Ang daming nagalit sa Pangulo, batikos na kaliwa’t kanan ang kanyang inabot sa social media.
Kung nakamamatay lang ang mga comment against him ay malamang nategi na siya. Ang nakakaloka, no one from Malacañang is man enough to own up his decision kung bakit natsugi si Ate Guy sa proclamation.
Ang mas nakakaloka, balewala pala ang choices ng NCCA at CCP dahil isang big no lang kay P-Noy ay tsugi na ang nominado for National Artist. Hindi ba’t pambabastos ‘yan sa NCCA at CCP?
“Mr. President wala kang alam sa sining. Kaya nga may committee na siyang pumipili ng magiging National Artist at sinasala ang bawat nominado sa kanilang husay at ambag sa larangan na kanilang kinabibilangan.
Ang talento ni Ms. Nora Aunor ay kinikilala maging sa ibang bansa. “Kahit sinong Pinoy, anuman ang kalagayan sa buhay kung gagamit ng makatarungang paghatol ay sasang-ayon na makasama sa Pambansang Alagad ng Sining si Ate Guy.”
“Ang alam ko ang parangal ay NATIONAL ARTIST hindi GOOD MORAL CHARACTER? O candidate para maging SANTO. Tao lang din naman si Nora Aunor na may pag kakamali tulad nating lahat.
Pero sa larangan nya ay masasabi kong NATIONAL TREASURE talaga sya.“Si Nora Aunor ngalang ang dapat maging National Artist sa larangan ng pagiging Artista.
Dahil sya lang ang natatanging artista na may pinakamaraming parangal na nakuha bilang isang Filipino Artist, mapa ibang bansa man. Nakakalungkot ngalang na pati ba naman sa ganitong bagay ay napupulitika pa rin.
Sabagay wala naman kay Nora ito dahil hindi man sya kilalanin ng mga makapangyarihang naka upo sa ating bansa. Eh napatunayan na nya na isa syang Superstar. Best Actress mapa local man o international :-)”
Ganyan ang comment na nabasa naming against PNoy. One guy came to defend the president and said, “Let us respect what the President of the Philippines had decided. I think he has the right to do it.
He has his own standard of selecting the National Artist award. And one more thing, you cannot please everybody.” Pero ito ang mas tumatak sa amin, ang comment ni Pia Magalona, “Nora Aunor may not (yet) be proclaimed National Artist (NA), but her initials will forever stand for it.”
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.