Pagpapakulong kina Bong, Jinggoy at Enrile matagal nang pinlano ng kampo ni Noynoy | Bandera

Pagpapakulong kina Bong, Jinggoy at Enrile matagal nang pinlano ng kampo ni Noynoy

Jobert Sucaldito - June 24, 2014 - 03:00 AM


KAHIT ano pang panlalait ang sabihin ng netizens ay nasasaktan pa rin kami sa naging kapalaran ng ilang kasamahan namin sa industriya who are also in politics.

Nauna nang nasampulan ng “karahasan” ng administrasyong Noynoy Aquino ang dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercito dahil daw sa overspending – a cheap case filed against a political figure considering that even the president of this country down to the smallest barangay kagawad ay talaga namang gumastos nang lagpas sa itinakda ng  batas.

Yung batas kasi ay nagsasaad na hanggang P3 lang per voting member ang puwedeng gastusin ng isang halal na opisyal ng pamahalaan at sa tingin niya ba’y merong sumunod dito?

Kasi nga, magkaiba ng kulay sina P-Noy at ER – yellow against orange kumbaga. Dahil natalo ang manok ni P-Noy na si Egay San Luis kaya tinigok nila sa puwesto si Gov. ER.

Ngayon ay heto na’t nakapiit na rin si Sen. Bong Revilla na sangkot daw sa P10-billion pork barrel scam ni Janet Napoles kung saan ay marami ring mga kaalyado ni P-Noy ang dawit pero agad nilang nilinis ang mga pangalan.

Ang inipit lang talaga nila ay sina Sen. Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na ilan lang sa mga palabang miyembro ng Oposisyon.

Hayun ang pobreng si Sen. Bong at nakikipagtunggali sa mga daga, ipis at mga insekto sa loob ng kaniyang selda na walang kasing-init.  Kahapon ay lumabas na rin ang arrest warrant laban kay Sen. Jinggoy para sa kasong plunder.

In fairness naman sa senador, nagpahayag itong anytime and anywhere ay nakahanda siyang makulong – wala naman daw kasi siyang laban sa batas. It’s a tall order nga naman kaya mahirap kuwestiyunin.

Susubukan daw nilang mag-file ng motion to bail pero nakikini-kinita kong ibabasura lamang ng korte ang kanilang hiling.
Lahat iyan ay nakaplano na – namanduhan na nina P-Noy at DILG Sec. Mar Roxas ang lahat ng ahensiya na deadmahin ang mga kahilingan ng mga kalaban nilang pulitiko.

Kailan naman kaya si Sen. JPE – tinitingi-tingi pa ng gobyerno para kumapal ang mileage nila sa pagpapakulong ng mga matataas nating opisyal.

Kasi nga, malapit na ang SONA ng pangulo at dahil wala naman siyang noteworthy achievements ay dito na lang siya nag-concentrate – ang pagpapakulong at pagtatanggal sa puwesto ng mga kalaban nila sa pulitika.

That’s how stupid this government is, di ba? Isa-isa silang inaalis sa puwesto samantalang ang mga nakapaligid sa pangulo ay nagkakamkam ng kayamanan at pera ng bayan. Parang ang linis-linis nila.

Hindi na kami actually masyadong nagulat lately kasi nakita na namin ang pagporma ng tanggalan at hulihan. Ano nga naman ang laban mo sa pangulo ng bansa – sige nga?

May mas tatapang pa ba sa kaniya sa panahong ito? Nakakatakot ang pamahalaang ito dahil nagtatago sila sa palda ng kalinisan – ng tuwid na daan pero sa totoong buhay ay walang kasing-bako ang ating dinadaanan.

Wala tayong choice but to die slowly. Believe me.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to inquirer news service )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending